Showing posts with label #JUNNOsayings. Show all posts
Showing posts with label #JUNNOsayings. Show all posts

Monday, December 24, 2012

Happy Holidays



Nakakamiss yung gigising ng maaga...
isusuot ang bagong damit na pamasko,
mag-gala, mag-mano at mag-hingi ng aguinaldo. :)


Nakakamiss din pala yung makatanggap...
ng tumataginting na mga benteng malutong
mula sa dalawang napakagalante kong mga Ninong. :)


Pero ang pinaka-namimiss ko, Ikaw! :)
Merry Christmas Everyone!


| Christmas is Merrier in the Philippines


Tuesday, August 21, 2012

Lie To Me Part Two


Pag nasa bahay ako ng weekdays ng gabi, itong show ng GMA 7 ang inaabangan talaga ng mga tao sa bahay.

Pag andyan na, "Lie to Me na, Lie to Me na!"
Pati ang pamangkin na 4 year old nakiki-Lie to Me din.
Parang "umalohokan" lang na nagbabalita sa buong bahay na Lie To Me na.
"Tito, Tita, Kuya, Lola, Lie to Me na."
Sabay upo sa kani-kaniyang pwesto. Tahimik at walang kurapan lang kung manood sila.
Sabay sabay pa silang kiligin sa mga sweet moments nina Angela at Kenneth.

Final week na this week, kaya affected ang mga tao sa bahay.
Marahil pati buong sambayanang Pilipino affected din.
Sana daw may PART TWO.
Gaya lang ng "It Started with a Kiss". May part two.

Gusto nyo ng Part Two?
Puwes, Heto! :)

Maaaksidente si Angela. Magkaka-amnesia. Si Sweet na lihim na nagmamahal at patay na patay kay Kenneth, itatago si Angela. Magpaparetoke at magpapanggap siya bilang Angela.
Paano malalaman ni Kenneth na ang taong kasama nya ay isang impostor na Angela? Magpapa-DNA test kaya siya o aarkilahin ang sikat na Lie Detector Test ni Chief Inspector Corpuz ng Don't Lie To Me? :)

| Don't LIE TO ME Sweet!

Like noks nomon on Facebook.

Sunday, July 29, 2012

Ano ang gagawin mo pag nadulas ka sa harapan ng Crush mo?

Sagot: You see? I just fell for you! Boom! :)


Yan ang sagot! English na, napapanahon pa! Boy Pickup! :) (Literally. Kailangan mong mapickup. Hehe)
Heto ang dahilan kung bakit ko naitanong yan ngayon. Kasi nga na-slide ako. Napa-split actually. Pero fortunately, hindi sa harapan ni crush. At hindi rin sa likuran nya.

Pag pasok ko ng employee entrance, matapos magpacheck sa guard. Naglakad ako para mag-login. Ang daan ko ay doon sa may locker room, doon ako maglo-login. Paghila ko ng pinto. Boom! Lagapak! Bagsak! Ang kanang paa ko kasi medyo excited ata pumasok. E ayon, sa sobrang excited, na-stretch! To the point na mag-ala- Sexbomb, napa-split akong di oras. E kasi naman umuulan, madulas ang sahig. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

Pag-nadulas ka, heto ang payo kong gawin mo.
1. Pag may sintas ang sapatos mo, kunwari aayusin mo ang pagkakasintas. Pero kung wala naman agad agad kang bumangon. Para hindi na dumami pa ang makasaksi sa mga pangyayari.
2. Wag kang titingin sa paligid lalo na sa likod. Para hindi ka mamukhaan, kung mamukhaan man. At least di mo sila makikilala. Magkasalubong man kayo di ka mahihiya.
3. Deadma. Parang walang ngyari.
4. Ikwento ang kahihiyang sinapit sa unang taong makakausap mo na tingin mong mapagkakatiwalaan mo. Para kunwari proud ka pa! Nang sa ganun, medyo mawala wala ang hiya sa sarili. :)

Sakto pa naman, ka-bus ko si crush. Buti na lang doon sa kabila sya pumasok. Hindi nya nawitness ang isang madamdaming eksena. Pero kung sakaling andoon sya. Sasabihin ko talaga ang line na yan. At pag nakita ko nangingiti, hihilahin ko din sya pababa, at sasabihin, "Ano ako lang? Dapat ikaw din! Damay damay na to!" :D

Ikaw, anong gagawin mo pag nadulas ka sa harapan ng crush mo? Anong palusot ang gagamitin mo? :)

Saturday, June 9, 2012

My Reaction About Manny Pacquiao defeated by Timothy Bradley






Manny Pacquiao vs. Timothy Bradley ay parang Jessica Sanchez vs. Philip Philips, talo ang tunay at obvious na magaling.

Ang kaibahan lang, PHILIP won by number of VOTES while BRADLEY won by number of HUGS. :P

Just my two cents. :)

Friday, June 8, 2012

My 7 Important Reminders About Relationship


Kapag may big emotions sa loob ng dibdib ko, napapasulat talaga ako.

After my closest friend, my "bestfren" and I had a small fight slash quarrel slash misunderstanding. These were my realizations and sentiments this week.


My 7 Important Reminders About Relationship

1. Trust must have no follow up questions. Basta maniwala ka. Tapos.

2. Relationship should be greater than pride. Kung mahalaga sayo ang isang tao, handa kang lunukin o kalimutan ang pride mo masave lang ang relasyon ninyo. Hindi na mahalaga kung sino nagkamali. Hindi na mahalaga kung sino nag umpisa. Ang mahalaga at ang pinakaimportante ang relasyon ninyo. Ang pinagsamahan nyo.

3. Pride is just a 5 letter word. Are you willing to ruin the bonding, the happy moments, the memories by this tiny little word in the dictionary?

4. There's no perfect relationshipKung meron man, boring yun. No thrill. No growth.

5. Walang dese-deserving pagdating sa relationshipHindi na dapat isipin kung deserving ka para sa kanya, o deserving sya para sayo.

6. There's no tree that grew without its leaves falling on the groundIt is normal to make mistakes. Dyan tayo natututo. Dyan tayo tumatatag. Part of growing up, ika nga.

7. Relationship should have no weighing scale. Hindi yan competition na padamihan ng gold medals o patangkaran ng trophies.


By the way, bati na kami. Take note, dahil sa away na yun, nakapagpost ako sa blog kong malapit na namang amagin. :D

Saturday, March 24, 2012

Juris plus Cha Cha Equals Kilig times Tawa

I really do love ASAP Sessionistas. Pag linggo na, at ASAP na, ang segment na to ang isa sa hinihintay ko.

Ang ASAP Sessionistas ay parang isang ”halo-halo”, marami ang sangkap, pero iisa ang timplang malalasahan. Masarap. Iba ibang genre man ang mga sangkap, magkaiba man sa lasa o sa texture, hindi magiging buo kung wala ang isa. They complement each other, perfect combination kung baga.

Ang ASAP Sessionistas ay isang “halo-halo”. Masarap. Nakakarelax. Malamig sa pakiramdam. Nakakapawi ng uhaw lalo pa’t sa mainit na tanghali ng tag-araw.

Kaya naman, tuwing may pagkakataong makapunta sa mga Album Tours nila, susugod talaga ako.

Sinadya kong umuwi kahapon ng hapon, dahil ang isa sa mga favorite Sessionistas ko ay pupunta ng Robinsons’ Starmill Pampanga para sa Album Tour.

Si Juris.

Kahit panahon, hindi ako mapipigilan. Sobrang init ng marating ko ang lungsod ng Maynila bandang 2PM, pero pagdating ko ng 4PM sa bayang sinilangan, Pampanga, ay napakalakas naman ng buhos ng ulan.
Bumaba ako sa SM, dahil doon ang babaan ng mga bus. At sa lakas ng ulan at basang kalsada, hindi kakayanin ng suot kong espads na gawa lang sa tela. (At hindi rin pupwedeng lumipad sa pagkakataong ito, maraming tao.) Kaya naman, pumasok muna ako ng SM para bumili ng flipflop ulit. (Bakit ulit? Abangan sa susunod kong post.) At ako’y nakabili.

5PM ang nakasulat sa banner, pero kahit 4:30PM palang, lumipat na ako ng Rob. Para makakuha ng magandang pwesto. Pero pagdating ko, nasa kalagitnaan na ata ng program. Oo, kumakanta na si Juris. Pumwesto ako sa may gilid ng stage. Sumingit singit. Hanggang sa makapunta sa may unahan. Walang sawang picture. Nagvideo din.

Ang galing talaga ni Juris! Napakalinis at napaka-smooth talaga nyang kumanta. Effortless. Kinilig ako lalo nung kinanta na nya yung ”Minsan Lang Kita Iibigin” sinundan pa ng kantang ”Di lang Ikaw”. Buti na lang naisipan kong pumunta na dahil kung hindi, hindi ko maaabutan, gaya ng mga kapatid ko, na kumakanta na si Juris eh nagtetext pa na papunta palang sila. Inabangan din nila ang araw na to para mapanuod, pero nabigo sila, pag dating nila, autograph signing na. :P

Nagpadagdag sa kilig at saya ko nung biglang lumabas ang isang familiar na mukha, na parang nakita ko na sa Twitter. Tama! Si DJ ChaCha chupchupera nga ang naghost ng Album tour ni Juris. Kung si Juris never fails to make us ”kilig”, si Cha naman never fails to make us “humagulgol sa kakatawa” :D

Pag may pagkakataong magpuyat, nagpupuyat talaga ako mapakinggan lang ang segment ni ChaCha sa 101.9. Nakakaaliw. Nakakatuwa. Ang bawat banat nya, tumatama, tumatagos sa puso. Hindi sya gaya ng ibang DJ, may masabi lang OK na. Si Cha, (Cha lang talaga? Oo Close kami, di ba Cha? Nagpapicture, kinawayan at ngitian mo ko sa may gilid ng stage sa Album tour ni Juris, remember? :D).

Si Cha, ang bawat sinasabi ay parang Century Tuna, malaman. Parang sentence, may thought at laging may point. Oo, isa akong proud fan ni Cha, kaya naman, finollow ko agad agad sa twitter. Sa pag-asang mamention din ako (sa @princejuno) kahit isang muah muah chup chup lang ni Cha. Makukumpleto na araw ko. :)

Balik kay Juris, baka magselos na kay Cha. Hinintay kong maubos ang pila ng mga nagpapaautograph, para magbakasakaling makapagpa-autograph din. Mapa-autograph ang bag na dala ko. Ang bag na may autograph na ni Princess, isa sa favorite sessionistas ko din. Nang malapit ng maubos ang pila, kinausap ko ang mga bantay sa stage para ipaautograph ang bag na suot ko. Sa kasawiang palad hindi sila pumayag. Ilang pilit ang ginawa ko. Hindi pa rin.

Pumunta ako sa harapan ng stage at kinawayan si Juris, habang nagpipicture sa ibang fans. Lumingon sya sa akin at ngumiti. Hindi ko pinalagpas ang pagkakataong yun, binuhat ko ang bag ko at tinuro sa kanya. Sabay sigaw, “Juris, Pa-autograph! :)”

Nang matapos ang ibang mga fans sa pagpapaautograph at picture, medyo nalungkot ako na baka hindi ko makuha ang inaasam-asam na autograph mula kay Juris. Patayo na sya. Paalis na yata. Pero laking gulat ko nung narinig ko sa kanya, “Pakikuha yung bag ni Kuya”. Tinawag ako ng P.A. at inabot ko sa kanya yung bag, mabilis pa sa alas-kwatro.

Walang mapaglagyan ang ngiti at saya ko ng mga oras na yon. Kahit hindi ako nakabili ng CD, (dahil may copy na ako) sa bait ni Juris, pinagbigyan ang munti kong kahilingan. :)

Sobrang saya ko nung pinipirmahan na nya ang bag ko gamit ang kaliwang kamay nya. Nabasa ni Juris ang autograph ni Princess kaya nailagay nya din ang name ko kahit hindi ko sinabi. :)

Kaya, I dedicate this post to Juris and DJ Cha Cha, bilang THANK YOU ko sa kasiyahang binigay nila sa nagiisang bampiranghel na fan nila. :)

Heto ang ilan sa mga kuha ko mula sa side ng stage. :)


Juris while singing "Minsan Lang Kita Iibigin". 

DJ Cha Cha while hosting Juris Album tour.

My bag, with autographs of Princess and Juris of ASAP Sessionistas.
:)



Thursday, March 22, 2012

Sana Dalawa Ang Puso Ko Lyrics


Sana Dalawa Ang Puso Ko by Janno Gibbs

Heto pa ang isa. Pwede tong background music sa isang scene ni Macky (John Lloyd Cruz) sa "UnOfficially Yours". Sana dalawa ang puso, isa para kay Ces (Angel Locsin), isa naman para kay Daphne (Maricar Reyes).

INTRO

Parang kailan lang, buhay ko'y walang gulo
May minamahal at minamahal ako
Nang makilala ka, buhay ko'y biglang nagbago
Ako'y nagtataka, puso ko'y litung-lito
REFRAIN
Bakit nga kaya iisa ang puso natin
Hindi naman natin maaring hatiin


CHORUS
Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana nalilito kung sino sa inyo
Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo


Para bang tukso na 'di ko kayang matalo
Isip ko'y lito, walang mapili sa inyo
Sabi nga nila, 'di maaring magpantay
Pag-ibig sa dal'wa; kaya tanong ko lagi ay


[Repeat REFRAIN]
[Repeat CHORUS]


BRIDGE
Ngunit kung isa sa inyo'y mawala
'Di makakaya ang hirap na madarama
Kahit alam ko na darating din ang araw
Na pipili ako kung siya na nga o kung ikaw


[Repeat CHORUS on the background thrice]
Sana dalawa ang puso ko
Hindi na kailangang pumili pa sa inyo
Oh, sana
Oh
Sana
Hindi na kailangang pumili pa sa inyo
Hooh


Sana
Hoh, sana
Hoh, sana dalawa ang puso ko
Mmm

Si Aida o Si Lorna o Si Fe Lyrics

Si Aida o Si Lorna o Si Fe by Marco Sison

Ang kantang to ay swak na swak sa sa mga babaero, pabling, salawahan, in this case "3 timer". :D

O pare ko, o pare ko
Ang kwento ko'y pakinggan mo
Baka sakali ako ay 'yong matulungan sa problema ko
Sino sa tatlo ang iso-syota ko
Parang awa mo na, pare
Si Aida o si Lorna o si Fe

Lahat sila'y magaganda
Mayaman na at seksi pa
Barkada ko'y naiingit na nga sa akin, ako raw ay pabling
Hindi nila alam, napakahirap dalhin
Tulungan mo ko, pare
Si Aida o si Lorna o si Fe

Kawawang puso ko, dumudugo
Nalilito kung sino kaya
Sino kaya ang pipiliin
At gagawin kong aking
Pag-ibig na tunay

O kay gulo, o kay gulo
Naiinis na nga ako
Sa dinami-dami ba naman ng babae sa buong mundo
Bakit ba ako nababaliw sa tatlo
Sabihin mo na, pare
Si Aida o si Lorna o si Fe

Sa dinami-dami ba naman ng babae sa buong mundo
Bakit ba ako nababaliw sa tatlo
Sabihin mo na, pare
Si Aida o si Lorna o si Fe

Pusong Lito Lyrics

Pusong Lito by Myrus


Narinig ko to sa bus dati. Tapos kahapon habang kumakain ako ng manok + 3 cups of rice sa Mang Inasal (na aking lunch pero 5PM na), ito ang paulit ulit na backgroud music. Maganda ang melody, maintriga ang lyrics. Bunsong kapatid to marahil ng mga kantang "Sana Dalawa ang Puso ko" at "Si Aida, o si Lorna, o si Fe."

Bakit ko 'to pinost? Wala lang. No comment. :D





I
Bakit kaya mapagbiro ang tadhana?
Bakit kaya pagdating niyo ay sabay pa?
Pareho ko kayong gusto, isa lang aking puso
Di ko naman kayang pagsabayin kayo

II
Bakit kaya sa twing nag-iisa
Pareho ni’yong mukhang ang nakikita?
Tinamaan nga kaya sa inyong dalawa?
Kaya ang puso ko ngayo’y sasabog na (sasabog na)

Chorus
Ang puso ko’y nalilito
Nalilito kung sino sa inyo
Ang isip ko’y gulong-gulo
Gulong-gulo kung sino sa inyo
Sino ba sa inyo ang pipiliin ko?
Dalawa ang sana ang puso ng di na malito oh

III
Bakit kaya mahal ko kayong dalawa?
Kaya ang puso ko’y nahihirapan na
Ano ang aking gagawin, sino ang pipiliin?
Puso ko’y hatiin ni’yo wala ng iisipin

Repeat Chorus 2x

Ang puso ko’y nalilito
Nalilito kung sino sa inyo
Ang isip ko’y gulong-gulo
Gulong-gulo kung sino sa inyo

Tuesday, March 20, 2012

No Gain

No Pain No Gain. No Kain No Gain.

Nakapag-gym na sa wakas si Junno

Ngayon ko napatunayan ang kasabihang, "Kung kaya mong isipin, kaya mong gawin." (Art Angel? :) )
Ang dating iniisip ko lang makapagGYM na... ngayon... Congrats to me!
Sa wakas! NakapagGYM na ako. Nag-enrol na ako sa isang gym malapit sa aking sanktuaryo. Heto ang first day ko...

Pagdating ko galing office, nagpahinga ng konti sa apartment, at nagprepare ng susuotin pag natuloy na ang gym. Lumabas na ako, medyo mahangin pa at parang uulan, pero nilabanan ko ang katamaran at ang manyana habit na yan. At akoy nagtagumpay. Matapos kong libutin ng 2 beses ang bayan, nakaipon na ako ng lakas para mag inquire. (Nag-ipon pa talaga ng lakas, magiinquire lang)

Ayun, nagtanong ako sa bantay ng building, at ako'y pinaakyat na sa taas. (alanganamang papaakyatin sa baba) Umakyat ako at naginquire. Pero nagstart na din agad agad. Excited lang. Nagmamadali. Busy.

Gym. Top Gym.
Bakit Top Gym? Kasi nasa TOP? Tama.
Nasa ROOFTOP ng building sya.
FIFTH floor.
So pag akyat mo palang, exercise na!
Hindi naman ako nagexpect masyado sa mga gamit. Medyo di na bago compare dun sa mga gamit sa gym sa office, pero ayos lang naman. Ang importante ay yung ituturo ng instructor. Yun ang habol ko. Matuto. From scratch to final answer. (ano daw.)

Gym Instructor. Sir Dennis.
9 yrs ng gym instructor. Nanggaling ng Fitness First at Gold's Gym.
Actually, 2nd time ko ng nameet si Sir Dennis at nasabi na nya yun dati.
Yung 1st time ay noong last year same month. (Akalain mo last year? )
Nakapaginquire na ako noon.
Sabi ko balik na lang ako.
Kumusta naman ngayon lang ako nakabalik.
Kanta muna tayo, "♪Kay tagal mo ng nawala, Babalik ka rin, Babalik karin ♪"
At least naman, nakabalik ako. Congrats sa akin.
Ewan ko lang kung naaalala pa nya yung time na yon. Natanong ko na nga rin dati yung schedule, attire at rate.

Fee. May daily na P40 per session, or P400 monthly. Pinili ko yung monthly na P400.
Unlimited. Mura na. At libre na lang daw ung instructor fee ko today. Heto umpisa na

Program for today.
Stretching.
Steel rod na nakaakbay sa dalawang kamay.
Turn waist and body right and left. Steady head facing front. 60 times.
Point right side and left side. 60 times.
Bowing and Bending. 60 times.

Weight lifting.
10lbs. (10lbs! common! :D)
Lifting dumbell from waist to shoulder level.
Up Down. Fying movement. 15 times. 30 seconds break. 4 reps

Lifting dumbell from upper shoulder meet to head top.
Up Down. 15 times. 30 seconds break. 4 reps

Lifting dumbell from head top down to upper back. 15 times. 30 seconds break. 4 reps

Lifting dumbell from front then curl arm up. 15 times. 30 seconds break. 4 reps

Squat. 25 times. 30 seconds break. 4 reps.

Sit ups. 25 times. 30 seconds break. 4 reps.

Kung irerate ko from easy to difficult. Stretching. Squat. Sit ups. Weight lifting.
Ang pinakamadaling part ay yung stretching. hehe
Sumunod squat, tas sit ups.
Huli yung sa weight lifting.
Dahil beginner pa lang, (palusot!) medyo may katiwalian pang nangyayari.
Dinadaya ang counting. hehe
Umaabot sa point kasi na hindi ko na maangat ang dumbell. Kahit kakapahinga lang ng 30 secs.
Isang angat, kaya. Pangalawang angat, suko na. (agad agad? hehe)

Sabi nga ni Sir Dennis.
"No Pain no Gain." "Kung susuko ka, wala kang makukuha." "Kailangan mong paghirapan, para makuha mo gusto mo"
Kumokowt! Saan ka pa. Tama nga naman. Maidagdag lang, "Ang umaayaw, hindi nananalo. Ang nananalo, hindi umaayaw." Heto pa, ang sabi nga ni Binoy, "Huwag kang aayaw, Think pasitib. Proteksyon, Bago umaksyon!" :)


First session palang, ang dami ko ng natutunan.
Myths and facts. Do's and Dont's ng body building.
Hindi lang pala weight or muscle ang magegain ko, pati new friends mag-gegain ko din.

Gym mates. Si Sir Dennis, my gym instructor. Ang magkaibigang si Paul at Choy. Si Jeffrey "Kalbo" kasama ang pinsang babae na busyng nag jujumping rope kaya hindi ko natanong ang pangalan.
Tsaka yung bagong dating, hindi ko narinig ang pangalan.
Nakakatuwa. Kwela. Enjoy ang buong araw.

Sumakit man katawan ko.
Nanginig man ang tuhod ko.
Nahilohilo. At the end of the day, nagkamuscles na ako at may 6 packs abs pang kasama.
(Agad agad lang? may muscles agad at may ABS na? )
I mean, nagenjoy na ako, nagka 6 new friends pa ako. :)

Pahabol lang, hindi pala stretching ang pinakamadali.
Yung last na instruction ni Sir Dennis pala. "Wag kang mag-Diet, kain ka lang ng kain". :D

Ako na nga ang Payat


Para sa kaalaman ng mga masugid kong tagasubaybay, (masugid talaga? hehe)
Ang bampiranghel na si Junno ay payatot slash slim slash walang katabataba sa katawan.
Sabi nga nila sa akin, gifted daw ako. (gifted talaga? hehe Ang yabang lang no? :D )

Gifted daw kasi ang taong kahit ilang EXTRA RICE ang lamunin, sandamakmak man ang kainin, pero hindi tabain. (Well salamat po Lord. Mabilis lang siguro ang metabolism ko. :) )

Pag nakain ako lalo pag umaga, madalas ang comment nila sa tray ko.
"FIESTA na naman!"
"Ang daming pagkain."
"Hindi naman tayo masyadong gutom no?"
"Di na magkasya sa tray mo ang order mo."
Yup, syang tunay, kung umorder ako lalo pag umaga, minsan kahit tissue wala ng mapaglagyan. :D

Ito daw ang rule sa pagkain.
"BREAKFAST. Eat like a king. LUNCH. Eat like a prince. DINNER. Eat like a beggar."
Ganyan. Pero ako minsan. BREAKFAST to DINNER Eat like a KING. Walang nangyayari, payatot pa din.

Kahit payat, namomroblema din kaya kung paano tataba.
Pero hindi ibig sabihing hindi ako kuntento sa katawan ko, gusto ko lang maimprove, magkalaman. (Magexplain ba? hehe) You know, magkamuscles. Or better yet, hubugin ng konti ang katawan para lumabas LALO ang kaSEXYhan. (Mala "Aljur Abrenica" o "Xian Lim". Hindi naman. :) ) Kaya naisipan ko ngayon, well dati pa pala "Makapag Gym nga!"

Sikreto lang to ah, isa kasi sa mga dreams ko, habang akoy nasa lupa pa eh, maging isang model. UNDERWEAR model. Joke! hehe

Monday, March 19, 2012

Bata bata, bakit naka PLASTIC BAG ka?


Nasa-BOILING POINT na ata ang dugo ko pag nakakanood ako ng balitang ganito...


"Sanggol, iniwan sa harap ng simbahan."
Ano yan? Donation?

"Sanggol, natagpuan sa basurahan, kinalkal ng aso."
Manika ba yang sira sira, para itapon basta basta?

At kagabi lang, "Sanggol nilagay sa plastic bag, at isinabit sa puno."
Christmas tree decor, ganon?

"Sanggol, inilagay sa kahon, pinaanod sa ilog."
Tom Sawyer? Adventurer? o Moises?

Nakakaawa. Nakakapanlumo. Nakakapanindig balahibo.
Ang mga walang kamalay malay na sanggol.
Walang kamuwang muwang.
Walang kalaban laban.
Ang murang katawan.
Inaabanduna. Tinatapon. Pinapatay.

Ano kayang pwedeng itawag sa mga taong nakakagawa ng karumaldumal
karimarimarim makawasak pangang mga bagay na to.
Teka, tao? tao pa ba mga to? Kung makatapon ng bata parang kuting lang na niligaw sa may bukid.

Walang puso. Walang awa. Walang konsensya.
Hindi sila tao. Hindi rin sila hayop. Dahil mabuti pa ang mga hayop, hindi kayang iwanan ang mga supling nila.

Ano kayang pumapasok sa mga utak ng mga nilalang na'to?
Tumatakas sa responsibilidad? Ayaw mahirapan? Hindi kayang buhayin?
Matapos nilang magpakasarap, magpakaligaya, mag "ooh... aah..." nung ginagawa nila,
pagkalabas ganun ganun na lang, itatapon na lang?
Edi sana inisip nila yun bago nila ginawa?
Kung sa bagay wala nga pa lang utak o isip ang mga nilalang na'to.
Kapatid marahil 'to ng mga abortionista.

"Every child is a blessing, a gift from God."
Ang daming tao dyan o mag-asawa, gustong gustong magkaanak, di nag kakaanak.
Sila parang tuta o kuting lang kung makatapon ng bata.

Ayoko ng pahabain pa tong post ko, bahala na si Lord sa kanila.

Saturday, January 28, 2012

Nagka-LBM ang Dragon nung Kumain ng Apple


Boy Pickup: Chinese new year ka ba?
Neneng B. (B as in Baboy): Bakit?
Boy Pickup: Kasi, “Kaw Ay Bat Choy!” :D

Tanong: Anong Holiday ang pinaka MATAKAW?
Sagot: E di, Chinese New Year! Kasi “Kung Hei FAT choi” o kaya pwede ring “Kung Hei Batchoy”.

Maganda yan, simulan ang taon ng ka-corny-han. Dahil pag “corn-y” o “tag-mais” ibig sabihin masagana ang ani. Swerte!
MagteTRENDING TOPIC na naman nyan ang mga horoscope, predictions, kung sinong mamalasin o kung sino naman ang suswertehin. Bago ang lahat pasalamat muna tayo sa Chinese communities dito sa Philippines kasi dahil sa kanila Holiday ang araw na to. Walang pasok, o kung may pasok ka double pay naman.

Simulan natin ang Dragon year ng dalawang nagbabagang HULA daw sa akin ni Madam Auring.
Drum roll. Lion dance. Fireworks.
Hula number 1. Nakikita kong marami ka pang sama ng loob noong nagdaang taon, mailalabas mo to ngayong taon, at gagaan ang iyong pakiramdam.
Drum roll. Dragon dance. Fireworks.
Hula number2. May bagong magpapaNINGNING sa mata mo ngayong darating na taon.

Hula number 1. Sunday. Pagkagising ko ng umaga. May kakaibang ringtone akong naririnig. Chineck ko cellphones ko wala namang nagtext o tumawag. Biglang tumunog ulit. Teka. Ibang call pala ito. CALL of NATURE. (Pasintabi po sa mga kumakain, sa mga oras na ito.) Dali dali akong tumakbo sa CR para mag”session”. Isang oras ba ang lumipas, ang tagal ko lang sa CR, naubos ang lakas ko. Bago pa ulit maglaro yang berdeng utak mo, may LBM ata ako. Ang sakit ng tyan ko. Tama nga ang hula, ILALABAS ko ang LAHAT ng SAMA ng LOOB ko ngayong taon. Totoo nga, IBANG KLASENG SAMA NG LOOB ang NAILABAS ko. Hindi lang isang araw kundi maraming araw ko tong dinamdam. Sunday, naglabas ng sama ng loob. Monday, “Chinese New Year” naglabas ulit ng sama ng loob. Tuesday, ang akala kong naubos na, muli itong nagparamdam ng bibyahe na ako para pumasok sa work.

Ginawa ko ang madalas na ginagawa ng mga byahero, “yung tipong may madadaanan kang fastfood resto, papasok ka hindi dahil oorder ka at kakain kundi dahil MAKIKI-CR ka lang”. Nagsession ako sa CR ng Chowking sa Manila. (Pinromote ko na bilang pasasalamat.) Sa bukid walang papel, sa siyudad wala din. Buti na lang BOYSCOUT ako, naging handa ako sa pagkakataong yon, may baon akong tissue at may alcohol din. Hilo’t hina ang naramdaman ko, kaya’t napagdesisyonan ko ng i-sick leave na lang ang araw na yun at tutal late na rin ako.

Hula number 2. Oo, tama ang hula, may bago ngang nagpapaNINGNING sa mata ko ngayon. Kung akala mo parang “APPLE of my eye” ito, nagkakamali ka. Dahil imbes na APPLE of my eye, PIMPLE on my eye. (I mean sa EYELID, kumusta naman pag sa EYEBALL nagkapimple. Sakit nun, lalo pa pag tiniris mo. Siguro pwede na ring APPLE dahil sa red sya. PILITIN ba. ) Ayoko sanang gamitin yung term na KULITI, dahil alam ko na ang sasabihin o itatanong mo, “NANILIP ka no?”, “SINO naman ang SINILIPAN mo?” Hindi ito KULITI, singaw lang to. Singaw! Nainfect na pore sa eyelid!
Pag may kuliti, nanilip agad? Di ba pwedeng may nagpasilip muna? May permission kung baga. Saan nga kaya nagmula yang kasabihang yan. Meron kayang “Ang alamat ng KULITI” sa mga libro ni Lola Basyang? (Teka lang, iDM natin si Lola B. baka meron ngang nakatago sa baul, hintayin natin reply nya.)

Para ikubli ang kakaibang ningning na to, nag-EYEGLASS ako pagkapasok ko sa office. Dahil ayokong maglaro sa isipan ng mga taong makakahalubilo ko ang mga tanong na yon. Nag-genius-geniusan ang dating, nerdy mode. Peter Parker kaw ba yan? Harry Potter? Anyways bagay ko naman. Oo kailangang iconvince ang sarili. Bagay ko nga, hindi lang ako sanay.
Kasisimula lang ng taon, binugahan na agad ako ng kakaibang pagsubok. Yung totoo, may galit ba sa akin ang Water Dragon? Ang tanong, malas ba ako sa Year of the water dragon? May swerte at malas nga ba talaga? Talaga nga bang nakakapagsalita ang mga bituin para sabihin ang ating kapalaran?

Sunday, January 8, 2012

Saturday, December 31, 2011

Reduce Reuse Recycle Resolution


Ilang minuto na lang New Year na. 2012 na!

Reduce. Paputok. Tokotokotokotok! dito. Tokotokotokotok! doon. Kabikabilaan ang mga nagpapaputok. Sabi nga ng marami, hindi kumpleto ang bagong taon kung walang paputok. At parang tingin ko hindi rin kumpleto ang bagong taon nila kung walang napuputulan ng daliri, o natatamaan ng ligaw na bala, o di kaya nasusunugan ng bahay. Tingin mo?

Bakit nga ba kailangang magpaputok at mag-ingay pag bagong taon? “To drive away evil spirits”daw o di kaya “maalis ang malas”. Sang-ayon ako kay Brod Pete ng “Dating Doon” sa Bubble Gang, katangahan ang magpaputok, lalo na kung sa LABAS ka magpapaputok. Kung naniniwala kang makakapag-taboy yan ng mga evil spirits dahil natatakot sila sa ingay, e ba’t sa labas ng bahay ka nagpapaputok? Kung sa labas ka nagpapaputok, at magiging maingay sa labas, e di lalo mo silang pinapapasok ng bahay? Habang nagsasaya kayo sa putukan sa labas, ang mga bad spirits na gusto mong itaboy ay nagpaPARTY-PARTY naman sa loob ng bahay nyo.

Siguro kung hindi man natin matanggal o mawala ang mga paputok, at least siguro i-REDUCE natin. Dahil sa bawat paputok na sinisindihan mo, katumbas ay peligrong maidudulot nito, na perang sinusunog mo na sana’y naitulong mo na lang sa mga nangangailangang tao. At sa bawat kasa at kalabit ng gatilyo ng baril mo, ay ang kaakibat na disgrasyang dulot nito sa taong tatamaan ng balang niligaw mo. (Maisingit lang si Tyrone Perez, ayun, hindi nakapaghintay ng bagong taon, nagpaputok, nagpaputok ng baril sa ulo. Ayun patay. May he rest in peace. ) May mga alternatibong paraan naman para magingay at magsaya. Gaya na lamang nito, magtorotot ka habang nagpaPLANKING si nanay at nagdoDOUGIE naman si tatay. Mga ganun klase. Masaya na kayo, malayo pa sa disgrasya! :)


Reuse. Pasko Part 2. Ang January 1 o New Year ay ang pangalawang pasko ng mga Pilipino. Oo, pangalawang pasko, o “Pasko Part 2” dahil ito ang magiging pangalawang pagkakataon para lusubin at singilin ang mga Ninong at Ninang na nakapagtago noong pasko. Gigising din ng maaga. Susuutin ang nilabhang pamaskong sinuot na noong nakaraang pasko, ire-REUSE kung baga. O kung may budget sina nanay at tatay, yung pamaskong SET number 2 mo ang susuotin. Pero dahil alam ng mga Henyo nating mga Ninong at Ninang na nakapagtago noong nakaraang pasko na lulusubin natin sila ngayong bagong taon, makakapagtago na naman ulit sila. Kaya kung ako sa inyo, bago pa magbagong taon, lusubin nyo na sila, puntahan nyo ng hindi sila handa, surpresahin nyo, gulatin nyo. At matapos ibigay ang aguinaldong inaasam mo, sampolan mo ng isang pick-up line. Sabihin mo, “Ninang, Si RAMONA ka ba? Kasi ang galing mong tumakas at magtago.” :D

Recycle. New year na naman. Panahon na naman ng mga NEW YEAR’S RESOLUTION. Kung estudyante ka ngayon, asahan mo na yan ang magiging FIRST ASSIGNMENT or ACTIVITY nyo pagkapasok nyo sa school, ang gumawa ng new year’s resolution. Kaya ngayon palang habang bakasyon, magisip ka na. Magiisip ka nga ba? O magreRECYCLE lang? Ilang new year’s resolution na naman kaya ang mare-RECYCLE ngayong bagong taon?

“Ang salitang resolution ay may prefix na “re” na ang ibig sabihin “again” sa tagalog “ulitin.” So tama lang na ulitin ang new year’s resolution.” Yan ang justification ng mga taong walang balak, walang planong magbago.
Ito ang ilan lang sa mga palagay ko'y marerecycle na naman:
Sa mga lumamon ng lumamon noong Noche Buena at mamayang Media Noche. “Magdadiet na ako.”
Sa mga estudyante at empleyadong nasanay sa disoras matulog at tanghali kung magising. “Hindi na ako malelate.”
At sa mga taong wala o NO OTHER WOMAN/MAN daw “Magiging faithful na ako.”
Kung mga bombang sumasabog ang mga new year’s resolution pag hindi natutupad, marahil lolobo ang DEATHRATE tuwing magpapalit ng taon at kung magkaganon hindi na kailangang bumili pa ng mga paputok.


Ang bagong taon ay ang magandang pagkakataon para magpasalamat sa ating Panginoon  at sa mga taong naging bahagi ng ating buhay. Magpasalamat sa nagdaang 365 days na naging makabuluhan. Magpasalamat sa siksik liglig umaapaw na biyayang natanggap. Magpasalamat sa bawat araw na may gabay at pagmamahal.
Isang magandang pagkakataon din para magbago. Sabi sa kanta, “Bagong taon ay magbagong buhay.” Simulan na ang pagbabago. Tara na at ating salubungin ang year 2012 ng may ngiti at puno ng pagasa. Gabayan nawa ulit tayo Niya sa bagong 366 days na handog Niya sa atin. Happy 2012! Happy New Year! God Bless us all. Laus Deo Semper. :)


Sunday, December 25, 2011

Ngayong Pasko ang Henyo kong Ninong nagtago sa Six Pocket kong Pantalon na amoy Paksiw



♪ Ang pasko ay sumapit.. Tayo ay mangagsiLAPIT.. sa magagandang ninang.. sa nag-gugwapong mga ninong... ♪ Pasko na!

Ano nga ba ang pasko? Para saan nga ba ang pasko? Para sa mga bata lang ba talaga ang pasko? Bakit may pasko? Bakit ipinagdiriwang ang pasko? Anong meron pag pasko? Kailangan bang maraming tanong pag pasko? Bakit ang dami kong tanong ngayong pasko? :)

Pasko Henyo. Category: May kinalaman sa Pasko.
Lugar ba to? - Hindi.
Keso de bola? Hamon? Spaghetti? Fruit salad? - Hindi.
Pagkain ba to? - Hindi.
Regalo? Aguinaldo? Noche buena? Parol? Christmas tree? - Hindi.
Bagay ba to? - Hindi.
Rudolf? - Hindi.
Hayop ba to? - Hindi.
So tao? - Hmmm, Oo. Pwede.Hindi.
Ninong? Ninang? Santa Claus? Mrs. Santa? - Hindi.
E ano?
Tut tut. Tut tut. Time is up!

Yan lang ba naiisip natin pag pasko? Isa ka rin ba sa marami na nakakalimutan ang tunay na dahilan kung bakit may pasko? Sabi ko nga sa post ko sa facebook at twitter. “Do not forget, JESUS CHRIST is the reason for this season. Not SANTA CLAUS or the AGUINALDOs from ninang and ninong. :)
Ang pasko ay ang araw ng kapanganakan ni Jesu Kristo, ang ating dakilang tagapagligtas. Oo alam ko, na alam mo na ang bagay na yan, pero baka lang kasi nakalimutan mo. :)

December 25. December 25 nga ba talaga ang birthday ni Jesus? Mahaba habang diskusyunan pa ang mangyayari kung hahalungkatin natin ang kasaysayan para sa totoong birthday ni Jesus. Well, wala naman tayo sa debate kaya saka na natin yan pag-usapan. Hindi man yan ang eksaktong date, ang importante ang kaligayahang dulot nito sa buhay ng bawat isa.”Let’s forget about the date, the spirit of Christmas is the reason why we celebrate.Noks nomon! :)

Pasko. Paksiw. Pasko. Paksiw. Pakso Paskiw. Minsan ang buhay ng tao parang ”tongue twister”, nakararanas ng kalituan, kamalian o kaguluhan, na humahantong sa isang ”paksiw na buhay” na puno ng kalungkutan, pagkabalisa, pagkabagabag o kawalan ng pagasa. Marahil ilan sa ating mga kababayan ngayon sa Bisayas at Mindanao pati na rin sa mga kamag-anak nila sa Luzon ay nararanasan ang ”twisted life” o kapighatian sa buhay ngayong pasko dahil sa trahedyang nangyari sa nakalipas na bagyong Sendong. Naway gabayan sila ng Panginoong Jesu-Kristo sa panibagong yugto ng kanilang buhay. Ang bawat mesa nila ay naway mapuno sana ng pag-asa at kasiyahan ngayong pasko. Umahon pa rin sana sa kanila ang tunay na diwa ng kapaskuhan, para hindi maging PAKSIW ang PASKO nila.

Taguan tayo ngayong pasko. Huwag munang mag ANGRY BIRDS, magtaguan muna tayo. Taguan, ang larong Pinoy na hindi naluluma, lalo na tuwing sumasapit ang araw ng kapaskuhan. Naalala ko noong bata ako, sa ayaw at sa gusto ko, ako lagi TAYA tuwing pasko. Hinahanap ang dalawang nagtatago kong mga ubod ng GALANTE, napaka-thoughtful kong mga NINONG. Dalawa na nga lang sila, tinataguan pa ako. Hindi ba nila alam na HINDI NAMAN talaga PERA ang habol ko? (Weh? Di nga?) Oo, hindi PERA, hindi basta basta pera lang! Dahil ang gusto ko ay MABANGO, MALUTONG at PERANG BAGO. Hehe Aminin natin, nung kabataan natin, yan talaga ang gusto natin. :D

Six Pocket. Gigising ng maaga. Maliligo. Suot suot ang bagong pamaskong bili ni nanay. Pinagmamayabang ang plantsadong SIX POCKET na pantalon. Dahil ang uso pag pasko ay ang maraming bulsa na pantalon. Naalala ko lang noong elementary days, paglabas ko pa lang ng bahay, pag nagkita kita kami ng mga kalaro ko’t kapitbahay na kasabay kong magmamano sa mga tita’t tito, bilangan agad kami ng bulsa. ”Ilan ang bulsa mo?” Paramihan nga kasi, BIDA ka pag ikaw ang may pinakamarami. Pag nagkatablahan pa nga, pati BULSA sa BRIEF, isasama rin, manalo lang. Ang tanong, marami ngang bulsa ang pantalon, marami naman kayang ma-a-aguinaldo?

Magkano ang naaguinaldo mo? Panalo man ako sa paramihan ng bulsa, ayaw ko mang aminin, ako ang pinakakulelat pagdating sa paramihan ng na-aguinaldo. Kumusta naman, dalawa lang ang NINONG ko. Dalawa na nga lang. Tinataguan pa ako. Kaya pag mga hapon na, tapos na ang pagmamano sa mga Ninang at Ninong. Bilangan time na! ”Magkano ang naaguinaldo mo?” Kulelat ako, sila na ang panalo. Kayo na! Bata nga naman. :)

Ano nga ba ang sukatan ng tunay na kasiyahan tuwing pasko?
Sa dami ng nakahanda sa noche buena sa mesa nyo?
Sa dami ng naaguinaldo?
Sa dami ng bulsa ng pantalon mo?
Sa dami ng nabigyang regalo?
Sa dami ng inaanak na nataguan ngayong pasko?
Para sa akin. Basta kumpleto ang pamilya, at sama-sama, masaya na ako.
Dahil walang katumbas na kasiyahan, ang mamasko sa tabi ng mga taong mahal mo.
( Noks nomon! Yun na! :))

Merry Christmas! God bless us all. Namamasko po. :)

Friday, December 9, 2011

Christmas party

CHRISTMAS PARTY. Sabi ko nga sa last post ko “December na! ...kabi-kabilaan ang mga Christmas parties”. Kami na siguro ang may pinakamaagang XMAS party. Excited lang. Last Friday, December 2 ginanap ang XMAS party namin sa isang magandang resort sa Cavite. Syempre dahil party ito, naging masaya, sobrang saya. (Isang party lang naman ang alam kong di masaya, ang THIRD party. Segway lang… Hehe) 

Santa Hat na may ilaw. Napagkasunduan namin ng mga kasama ko na suotin yun sa XMAS party. Para daw UNIQUE. AGAW-ATENSYON. CENTER-of-ATTRACTION. Kaya naman suot-suot na namin ung Santa Hat na nakasindi na ang mga ilaw pagpadating at pagpasok sa lugar. UNIQUE pala ha. AGAW-ATENSYON baka mo. Ano daw, CENTER-of-ATTRACTION. E halos lahat ata ng nandun, may SANTA HAT na umiilaw rin. Hehe

Pinoy Henyo. Isa sa favorite ko na laro tuwing may party, ay ang PINOY henyo, ang pambansang laro ng mga PINOY. Sa kasamaang palad, dahil nasali ako sa first game na “Dugtungan song” hindi ako nakasali sa PINOY henyo. Ang highlight sa larong ito, ay nung mga Big Bosses na ang maghuhulaan. Noong time lang na yon namin nakitang mataranta, magisip ng sobra, mapakunot ang noo sa kakaisip ng mga categories. Nagkachance tuloy ang lahat na sigawan, biruin, lokohin, tawanan, ang mga Boss ng hindi nila nahahalata. :D

Christmas Carol. Kung last year merong Group Dance Competition ang Christmas party namin na naging second place kami, ngayon naman Christmas Carol Competition naman. Ito ang pinaka-highlight ng party, ang sama-samang kakanta ang bawat myembro ng group na ang naging judges ay ang mga managers. Isang linggo rin kami nag praktis. Simula sa pilitan kung sino ang sasale. Sa pagbuo ng concept. Sa pagpili ng mga kantang kakantahin. Sa paghagilap ng mga costumes. Hanggang sa, ito na, this is it! Hindi naman namin kinareer ang costume masyado. May nag-ala Mary at Joseph lang naman. At dahil kulang sa boys, imbes na 3 kings, 3 queens ginawa namin. At ang inyong lingkod, nag-ala shepherd. Mag-aanghel sana ako, kaso effortless naman kung yun yung role ko, kaya pinili ko maging shepherd na lang. :D

Talo na kami. Mukhang talo yata kami. Pangalawa kami nagpresent. Kahit kami kami lang, nakakakaba din. Baka ma mental block. Makalimutan ang lyrics. Ayun na nga, may hindi nag-MEMOPLUS kagabi. Dahil na rin siguro sa kapos sa praktis, at hindi naman talaga kumakanta, o proffesional singers at nakakakaba. Ayun. Hindi naiwasan. Nagkamali ung Joseph samin. Nakalimutan ang second line ng Silent night. Sabi nya, “Silent night, holy night. Round yon virgin mother and child”. Hindi nakanta ang “All is calm, all is bright”. (Nagmamadali? Excited lang? Busy, may gagawin pa? hehe) Buti na lang hindi huminto at nasalong mabuti ng sumunod na kakanta na si Mary.

Kinabahan ako bigla. Nung time na yon, kinabahan din ako, inisip ko, naku baka makalimutan ko din ang lines ko. Habang kumakanta si Mary at dahil ako ang next, inulit ulit ko sa isip ko ang lines ko. Hanggang sa Salamat sa Diyos nakanta ko naman ng maayos. Nakahinga na kami ng maluwag ng matapos namin. Hindi na ako naghangad ng first place. 3 groups lang kami kaya inexpect ko na pang 3rd place lang kami. Nakulangan din kasi ako sa performance namin. Palagay ko kasi, mas maayos ang praktis kesa sa naperform namin. At parehong magagaling ang ibang groups. Talo na kami.

Positive Pessimist. Naging positive pessimist ako hanggang matapos ang party. (Ano daw? May ganyang word ba?) Hanggang di naanounce ang mga winners. Iniisip ko na talo kami pero ok lang, deserving naman sila pag sila nanalo. Pero laking gulat ko nung ina-nnounce ung 3rd place. Sabi ko, “Ha? Hindi kami?”. Nangiti ako. O second place pala kami. Pero lalo akong nagulat nung kami ang inannounce na CHAMPION. Hindi ako makapaniwala! Oo Champion! Sulit ang pinaghirapan. Thank God. :)

Picture-picture. Umambon ng gabing yon. Pero umulan naman ng mga SLRs na cameras buong party. Nagumpisa ang party sa picturan. At natapos sa picturan. Kabikabilaan ang mga cameras. Smile dito, smile doon. Pose dito, pose doon. Buti na lang nauso na ang “digital cameras”, kung hindi, ilang shots lang ang kayang makuha. 36 shots sa isa, 24 shots sa kabila. Buti nalang di na “de-film” ang mga cameras. Sa picturan ang lahat ay nagkasundo. Nagtipon. Napangiti. Napasmile. Kaya naman nang umuwi na, isang malaking ngiti sa pisngi ang baon ng bawat isa. :)

Sunday, December 4, 2011

Exchange Gift

EXCHANGE GIFT. December na! Kaya naman kabi-kabilaan ang mga Christmas parties. At syempre hindi mawawala ang exchange gift. Sa party ng department namin, worth P100 ang exchange gift. Anong mabibili mo sa P100? Ang tagal kong pinag-isipan ang bibilhin ko. Nagsearch pa ako sa Google. Nagsurvey sa mga bahay-bahay. Humingi  pa ng suggestions sa sikat na writer na si Paolo Coelho. At nagtanong kay Kuya Kim. Hanggang sa umabot ako sa isang desisyon.

Tumbler! Oo tumbler ang binili ko. Ang walang kamatayang tumbler. E ano pa ba kaya ang mabibili mo sa P100? Kung hindi mug, towel, picture frame o di kaya lalagyan ng cellfone? Ayon. Binili ko na  sa SM department store ang tumbler na pang-exchange gift ko.

Pinatulan ko ang free gift wrapping ng SM. Kahit 1 oras ata akong pumila. Mas mahaba pa ang oras na pinila ko kumpara sa 10 minutes lang na pagpili, pagkuha, at pagbayad sa cashier.

Kaya naman dapat nating isipin na “Hindi presyo ang banatayan ng regalo, nasa effort yan ng taong nagbigay nito.” noks-nomon! ;)

Simula sa magdamagang pagiisip ng nagbigay kung ano bibilhin. Sa tiyaga nya sa 1 kilometrong pila sa gift wrapping section. O di kaya sa bawat sukat, tupi, punit at gupit nya ng gift wrapper. Sa bawat putol, dikit ng iskatsteyp na may laway pa dahil madalas nginingipin ang pagpunit. Hanggang sa pag-kacarreer sa lettering, na ilang beses pinraktis ang font, ang laki, ang diin, ang kulay, ang arte ng pagsulat ng greetings sa card na ididikit. Na nagdalawang isip pa kung ano isusulat nya kung MERRY CHRISTMAS ba o MALIGAYANG PASKO.

Kaya naman sa mga magreregalo sa kin. Para hindi nyo na problemahin kung ano ang pwede nyo ibigay ngayong pasko sakin. At dahil ayaw ko kayong mahirapan, mapuyat sa kakaisip. Heto ang ilan sa mga gusto ko matanggap ngayong pasko. DSLR na camera o di kaya iPAD2 na lang, mga ganyan lang naman. Kahit huwag mo ng balutin ayos na sakin. :D

Monday, November 28, 2011