Showing posts with label #BANAToftheday. Show all posts
Showing posts with label #BANAToftheday. Show all posts

Monday, December 24, 2012

Happy Holidays



Nakakamiss yung gigising ng maaga...
isusuot ang bagong damit na pamasko,
mag-gala, mag-mano at mag-hingi ng aguinaldo. :)


Nakakamiss din pala yung makatanggap...
ng tumataginting na mga benteng malutong
mula sa dalawang napakagalante kong mga Ninong. :)


Pero ang pinaka-namimiss ko, Ikaw! :)
Merry Christmas Everyone!


| Christmas is Merrier in the Philippines


Sunday, July 29, 2012

Ano ang gagawin mo pag nadulas ka sa harapan ng Crush mo?

Sagot: You see? I just fell for you! Boom! :)


Yan ang sagot! English na, napapanahon pa! Boy Pickup! :) (Literally. Kailangan mong mapickup. Hehe)
Heto ang dahilan kung bakit ko naitanong yan ngayon. Kasi nga na-slide ako. Napa-split actually. Pero fortunately, hindi sa harapan ni crush. At hindi rin sa likuran nya.

Pag pasok ko ng employee entrance, matapos magpacheck sa guard. Naglakad ako para mag-login. Ang daan ko ay doon sa may locker room, doon ako maglo-login. Paghila ko ng pinto. Boom! Lagapak! Bagsak! Ang kanang paa ko kasi medyo excited ata pumasok. E ayon, sa sobrang excited, na-stretch! To the point na mag-ala- Sexbomb, napa-split akong di oras. E kasi naman umuulan, madulas ang sahig. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

Pag-nadulas ka, heto ang payo kong gawin mo.
1. Pag may sintas ang sapatos mo, kunwari aayusin mo ang pagkakasintas. Pero kung wala naman agad agad kang bumangon. Para hindi na dumami pa ang makasaksi sa mga pangyayari.
2. Wag kang titingin sa paligid lalo na sa likod. Para hindi ka mamukhaan, kung mamukhaan man. At least di mo sila makikilala. Magkasalubong man kayo di ka mahihiya.
3. Deadma. Parang walang ngyari.
4. Ikwento ang kahihiyang sinapit sa unang taong makakausap mo na tingin mong mapagkakatiwalaan mo. Para kunwari proud ka pa! Nang sa ganun, medyo mawala wala ang hiya sa sarili. :)

Sakto pa naman, ka-bus ko si crush. Buti na lang doon sa kabila sya pumasok. Hindi nya nawitness ang isang madamdaming eksena. Pero kung sakaling andoon sya. Sasabihin ko talaga ang line na yan. At pag nakita ko nangingiti, hihilahin ko din sya pababa, at sasabihin, "Ano ako lang? Dapat ikaw din! Damay damay na to!" :D

Ikaw, anong gagawin mo pag nadulas ka sa harapan ng crush mo? Anong palusot ang gagamitin mo? :)

Wednesday, March 14, 2012

Kinsenas

Mamahalin kita hanggang KINSENAS lang.

Para walang KATAPUSAN! :)

noks-nomon!

Monday, December 5, 2011

Tuesday, November 29, 2011

Twilight Spoofed 1: Ang puti mo kasi

Since, lately nauso ang mga Praybeyt Benjamin-type banats ni Vice Ganda
at umaalulong na din ang Breaking Dawn lines nina Edward at Bella ng Twilight Saga,
Bat di natin pag isahin at pagsamahin? :D
Heto sa inyo...
Another spoof of Twilight scene, Praybeyt Benjamin inspired. :)

Pag maputi, bampira agad?
'di ba pwedeng may foundation muna? :D
- Edward

Monday, November 28, 2011

Thursday, November 24, 2011

Upgrade

Ang bilis talagang mag-UPGRADE ng mga bagay-bagay.

Pati tuloy pagtingin ko sayo, nag-UPGRADE na rin.

Dati, gusto lang kita...
ngayon...
MAHAL na.


:)
noks-nomon!

Saturday, October 29, 2011

Gusto kong mapag-isa


















Gusto kong MAPAG-ISA!



ang PUSO nating DALAWA.
:))
noks-nomon!

Teach me how to dougie


TEACH ME HOW TO DOUGIE

And
I'll teach you how to LOVE me.

:)
noks-nomon!

Enchanted Kingdom ka ba?


ENCHANTED KINGDOM ka ba?
Kasi,

When I'm with you,
every second is MAGICAL!

:)
noks-nomon!

Friday, October 28, 2011

Pinakamasayang aksidente


Pinakamasayang AKSIDENTE sa buhay ko ay yung
NAHULOG ang puso ko sayo.
:)
noks-nomon!

Thursday, October 27, 2011

They say a picture speaks a thousand words


They say a PICTURE speaks a THOUSAND WORDS.

I don't think so because when I saw yours,
I was SPEECHLESS.
:)
noks-nomon!

Wednesday, October 26, 2011

Aabsent ako sa lahat ng klase ko


AABSENT ako sa lahat ng KLASE ko...

MAKAPASOK lang ako dyan sa PUSO mo.
:)
noks-nomon!

Tuesday, October 25, 2011

May dadalawin ka ba ngayong Undas?


May dadalawin ka ba ngayong UNDAS?
TARA!
Samahan mo na lang akong dalawin...

ang PUSO kong PATAY na PATAY sa IYO.
:)

noks-nomon!
-
lapit na UNDAS... 

Peanut ka ba?


Peanut ka ba?


Kasi,
PEANUTibok mo puso ko eh.
:)
noks-nomon!

Shooting star ka ba?


Shooting star ka ba?


Kasi,
Ikaw na ang SAGOT sa aking mga KAHILINGAN.

:)
noks-nomon!

Isang hug lang naman


Isang HUG lang naman ang gusto ko eh...


ang mabi-HUG ang puso mo!
:)

noks-nomon!

Monday, October 24, 2011

Buwan ka ba?


BUWAN ka ba?

Kasi,
Nagiisa ka sa MUNDO ko.
:)
noks-nomon!
-
Ang ganda ng buwan kaninang madaling araw mga 4AM. Para syang ECLIPSE at BREAKING DAWN. :)

Sunday, October 23, 2011

Charger ka ba?


CHARGER ka ba?

Kasi,
ONLY you, can FILL the EMPTINESS in me.

:)
noks-nomon!

Monday, October 10, 2011