Tuesday, March 20, 2012
Ako na nga ang Payat
Para sa kaalaman ng mga masugid kong tagasubaybay, (masugid talaga? hehe)
Ang bampiranghel na si Junno ay payatot slash slim slash walang katabataba sa katawan.
Sabi nga nila sa akin, gifted daw ako. (gifted talaga? hehe Ang yabang lang no? :D )
Gifted daw kasi ang taong kahit ilang EXTRA RICE ang lamunin, sandamakmak man ang kainin, pero hindi tabain. (Well salamat po Lord. Mabilis lang siguro ang metabolism ko. :) )
Pag nakain ako lalo pag umaga, madalas ang comment nila sa tray ko.
"FIESTA na naman!"
"Ang daming pagkain."
"Hindi naman tayo masyadong gutom no?"
"Di na magkasya sa tray mo ang order mo."
Yup, syang tunay, kung umorder ako lalo pag umaga, minsan kahit tissue wala ng mapaglagyan. :D
Ito daw ang rule sa pagkain.
"BREAKFAST. Eat like a king. LUNCH. Eat like a prince. DINNER. Eat like a beggar."
Ganyan. Pero ako minsan. BREAKFAST to DINNER Eat like a KING. Walang nangyayari, payatot pa din.
Kahit payat, namomroblema din kaya kung paano tataba.
Pero hindi ibig sabihing hindi ako kuntento sa katawan ko, gusto ko lang maimprove, magkalaman. (Magexplain ba? hehe) You know, magkamuscles. Or better yet, hubugin ng konti ang katawan para lumabas LALO ang kaSEXYhan. (Mala "Aljur Abrenica" o "Xian Lim". Hindi naman. :) ) Kaya naisipan ko ngayon, well dati pa pala "Makapag Gym nga!"
Sikreto lang to ah, isa kasi sa mga dreams ko, habang akoy nasa lupa pa eh, maging isang model. UNDERWEAR model. Joke! hehe
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment