Friday, December 9, 2011

Christmas party

CHRISTMAS PARTY. Sabi ko nga sa last post ko “December na! ...kabi-kabilaan ang mga Christmas parties”. Kami na siguro ang may pinakamaagang XMAS party. Excited lang. Last Friday, December 2 ginanap ang XMAS party namin sa isang magandang resort sa Cavite. Syempre dahil party ito, naging masaya, sobrang saya. (Isang party lang naman ang alam kong di masaya, ang THIRD party. Segway lang… Hehe) 

Santa Hat na may ilaw. Napagkasunduan namin ng mga kasama ko na suotin yun sa XMAS party. Para daw UNIQUE. AGAW-ATENSYON. CENTER-of-ATTRACTION. Kaya naman suot-suot na namin ung Santa Hat na nakasindi na ang mga ilaw pagpadating at pagpasok sa lugar. UNIQUE pala ha. AGAW-ATENSYON baka mo. Ano daw, CENTER-of-ATTRACTION. E halos lahat ata ng nandun, may SANTA HAT na umiilaw rin. Hehe

Pinoy Henyo. Isa sa favorite ko na laro tuwing may party, ay ang PINOY henyo, ang pambansang laro ng mga PINOY. Sa kasamaang palad, dahil nasali ako sa first game na “Dugtungan song” hindi ako nakasali sa PINOY henyo. Ang highlight sa larong ito, ay nung mga Big Bosses na ang maghuhulaan. Noong time lang na yon namin nakitang mataranta, magisip ng sobra, mapakunot ang noo sa kakaisip ng mga categories. Nagkachance tuloy ang lahat na sigawan, biruin, lokohin, tawanan, ang mga Boss ng hindi nila nahahalata. :D

Christmas Carol. Kung last year merong Group Dance Competition ang Christmas party namin na naging second place kami, ngayon naman Christmas Carol Competition naman. Ito ang pinaka-highlight ng party, ang sama-samang kakanta ang bawat myembro ng group na ang naging judges ay ang mga managers. Isang linggo rin kami nag praktis. Simula sa pilitan kung sino ang sasale. Sa pagbuo ng concept. Sa pagpili ng mga kantang kakantahin. Sa paghagilap ng mga costumes. Hanggang sa, ito na, this is it! Hindi naman namin kinareer ang costume masyado. May nag-ala Mary at Joseph lang naman. At dahil kulang sa boys, imbes na 3 kings, 3 queens ginawa namin. At ang inyong lingkod, nag-ala shepherd. Mag-aanghel sana ako, kaso effortless naman kung yun yung role ko, kaya pinili ko maging shepherd na lang. :D

Talo na kami. Mukhang talo yata kami. Pangalawa kami nagpresent. Kahit kami kami lang, nakakakaba din. Baka ma mental block. Makalimutan ang lyrics. Ayun na nga, may hindi nag-MEMOPLUS kagabi. Dahil na rin siguro sa kapos sa praktis, at hindi naman talaga kumakanta, o proffesional singers at nakakakaba. Ayun. Hindi naiwasan. Nagkamali ung Joseph samin. Nakalimutan ang second line ng Silent night. Sabi nya, “Silent night, holy night. Round yon virgin mother and child”. Hindi nakanta ang “All is calm, all is bright”. (Nagmamadali? Excited lang? Busy, may gagawin pa? hehe) Buti na lang hindi huminto at nasalong mabuti ng sumunod na kakanta na si Mary.

Kinabahan ako bigla. Nung time na yon, kinabahan din ako, inisip ko, naku baka makalimutan ko din ang lines ko. Habang kumakanta si Mary at dahil ako ang next, inulit ulit ko sa isip ko ang lines ko. Hanggang sa Salamat sa Diyos nakanta ko naman ng maayos. Nakahinga na kami ng maluwag ng matapos namin. Hindi na ako naghangad ng first place. 3 groups lang kami kaya inexpect ko na pang 3rd place lang kami. Nakulangan din kasi ako sa performance namin. Palagay ko kasi, mas maayos ang praktis kesa sa naperform namin. At parehong magagaling ang ibang groups. Talo na kami.

Positive Pessimist. Naging positive pessimist ako hanggang matapos ang party. (Ano daw? May ganyang word ba?) Hanggang di naanounce ang mga winners. Iniisip ko na talo kami pero ok lang, deserving naman sila pag sila nanalo. Pero laking gulat ko nung ina-nnounce ung 3rd place. Sabi ko, “Ha? Hindi kami?”. Nangiti ako. O second place pala kami. Pero lalo akong nagulat nung kami ang inannounce na CHAMPION. Hindi ako makapaniwala! Oo Champion! Sulit ang pinaghirapan. Thank God. :)

Picture-picture. Umambon ng gabing yon. Pero umulan naman ng mga SLRs na cameras buong party. Nagumpisa ang party sa picturan. At natapos sa picturan. Kabikabilaan ang mga cameras. Smile dito, smile doon. Pose dito, pose doon. Buti na lang nauso na ang “digital cameras”, kung hindi, ilang shots lang ang kayang makuha. 36 shots sa isa, 24 shots sa kabila. Buti nalang di na “de-film” ang mga cameras. Sa picturan ang lahat ay nagkasundo. Nagtipon. Napangiti. Napasmile. Kaya naman nang umuwi na, isang malaking ngiti sa pisngi ang baon ng bawat isa. :)

No comments:

Post a Comment