Who's That Girl by Guy Sebastian feat. Eve
I was on the mic
Doin' my thing on a Friday night
Had the floor burning up just right
Everybody was bumpin', the club was jumping
Suddenly, you walked in
That's when everybody stopped dancing
And I couldn't stop myself staring
Yeah I couldn't breathe,
No I couldn't believe my eyes
I never thought I'd fall in love in a club
But now I seen you girl I can't get enough
With you I know there's no taking it slow
So can somebody please let me know
[Chorus]
Tell me who's that girl
Just walk walk (walk) in the club
Tell me who's that girl
Just walk walk (walk) in the club
Tell me who's that girl
Just walk walk (walk) in the club
Just walk walk (walk) in the club
Just walk walk (walk), walk walk (walk), yeah
Before the night is through
Imma tell ya how I feel about you
And I know I got some work to do
To make you believe that you should be leaving with me
I never thought I'd fall in love in a club
The more I get of you, I can't get enough
I won't be letting you leave here alone
So can somebody please let me know
[Chorus]
Tell me who's that girl
Just walk walk (walk) in the club
Tell me who's that girl
Just walk walk (walk) in the club
Tell me who's that girl
Just walk walk (walk) in the club
Just walk walk (walk) in the club
Just walk walk (walk), walk walk (walk)
(I wanna know) Tell me who's that girl
Just walk walk (walk) in the club
(Who's that girl) Tell me who's that girl
Just walk walk (walk) in the club
Tell me who's that girl
Just walk walk (walk) in the club
Just walk walk (walk) in the club
Just walk walk (walk), walk walk (walk)
[Eve]
E.V.E
I walk in the club it's over
All them other chicks might as well move over
Wanna know my name then you gotta get closer
Eyes on you too wanna get to know ya
Lemme run it down for ya, I'm not easy
Some say caramel, you can call my evie
Wanna be the man in my life that please me
Gotta warn in, Once ya know me, you need me
Give you whip lash when I glide through the room
Five inch heals, watch how I move
Watch how I shake it to the beat, how I do
Know you wanna feel me, feel me shake it on you, yeah
The night could get crazy
But I gotta hold back, I'm a lady
Well who knows maybe I could be your baby
Be your baby, be your baby
[Guy]
Wo-oh
Wo-oh oh
Wo-oh
Wo-oh
[Chorus]
So, tell me who's that girl
Just walk walk (walk) in the club
Tell me who's that girl
Just walk walk (walk) in the club
Tell me who's that girl
Just walk walk (walk) in the club
Just walk walk (walk) in the club
Just walk walk (walk) in the club
Tell me who's that girl
Just walk walk (walk) in the club
Tell me who's that girl
Just walk walk (walk) in the club
Tell me who's that girl
Just walk walk (walk) in the club
Just walk walk (walk) in the club
Just walk walk (walk) in the club
--
Everytime i hear this song, my heart is singing, my mind is dancing and my soul is Party-ing. :D
Thursday, February 2, 2012
Saturday, January 28, 2012
Nagka-LBM ang Dragon nung Kumain ng Apple
Boy Pickup: Chinese new year ka ba?
Neneng B. (B as in Baboy): Bakit?
Boy Pickup: Kasi, “Kaw Ay Bat Choy!” :D
Neneng B. (B as in Baboy): Bakit?
Boy Pickup: Kasi, “Kaw Ay Bat Choy!” :D
Tanong: Anong Holiday ang pinaka MATAKAW?
Sagot: E di, Chinese New Year! Kasi “Kung Hei FAT choi” o kaya pwede ring “Kung Hei Batchoy”.
Maganda yan, simulan ang taon ng ka-corny-han. Dahil pag “corn-y” o “tag-mais” ibig sabihin masagana ang ani. Swerte!
Sagot: E di, Chinese New Year! Kasi “Kung Hei FAT choi” o kaya pwede ring “Kung Hei Batchoy”.
Maganda yan, simulan ang taon ng ka-corny-han. Dahil pag “corn-y” o “tag-mais” ibig sabihin masagana ang ani. Swerte!
MagteTRENDING TOPIC na naman nyan ang mga horoscope,
predictions, kung sinong mamalasin o kung sino naman ang suswertehin. Bago ang
lahat pasalamat muna tayo sa Chinese communities dito sa Philippines kasi dahil
sa kanila Holiday ang araw na to. Walang pasok, o kung may pasok ka double pay
naman.
Simulan natin ang Dragon year ng dalawang nagbabagang HULA
daw sa akin ni Madam Auring.
Drum roll. Lion dance. Fireworks.
Hula number 1. Nakikita kong marami ka pang sama ng loob noong nagdaang taon, mailalabas mo to ngayong taon, at gagaan ang iyong pakiramdam.
Hula number 1. Nakikita kong marami ka pang sama ng loob noong nagdaang taon, mailalabas mo to ngayong taon, at gagaan ang iyong pakiramdam.
Drum roll. Dragon dance. Fireworks.
Hula number2. May bagong magpapaNINGNING sa mata mo ngayong darating na taon.
Hula number2. May bagong magpapaNINGNING sa mata mo ngayong darating na taon.
Hula number 1. Sunday. Pagkagising ko ng umaga. May
kakaibang ringtone akong naririnig. Chineck ko cellphones ko wala namang
nagtext o tumawag. Biglang tumunog ulit. Teka. Ibang call pala ito. CALL of
NATURE. (Pasintabi po sa mga kumakain, sa mga oras na ito.) Dali dali akong tumakbo
sa CR para mag”session”. Isang oras ba ang lumipas, ang tagal ko lang sa CR,
naubos ang lakas ko. Bago pa ulit maglaro yang berdeng utak mo, may LBM ata
ako. Ang sakit ng tyan ko. Tama nga ang hula, ILALABAS ko ang LAHAT ng SAMA ng
LOOB ko ngayong taon. Totoo nga, IBANG KLASENG SAMA NG LOOB ang NAILABAS ko.
Hindi lang isang araw kundi maraming araw ko tong dinamdam. Sunday, naglabas ng
sama ng loob. Monday, “Chinese New Year” naglabas ulit ng sama ng loob.
Tuesday, ang akala kong naubos na, muli itong nagparamdam ng bibyahe na ako
para pumasok sa work.
Ginawa ko ang madalas na ginagawa ng mga byahero, “yung
tipong may madadaanan kang fastfood resto, papasok ka hindi dahil oorder ka at
kakain kundi dahil MAKIKI-CR ka lang”. Nagsession ako sa CR ng Chowking sa
Manila. (Pinromote ko na bilang pasasalamat.) Sa bukid walang papel, sa
siyudad wala din. Buti na lang BOYSCOUT ako, naging handa ako sa
pagkakataong yon, may baon akong tissue at may alcohol din. Hilo’t hina ang
naramdaman ko, kaya’t napagdesisyonan ko ng i-sick leave na lang ang araw na
yun at tutal late na rin ako.
Hula number 2. Oo, tama ang hula, may bago ngang
nagpapaNINGNING sa mata ko ngayon. Kung akala mo parang “APPLE of my eye” ito,
nagkakamali ka. Dahil imbes na APPLE of my eye, PIMPLE on my eye. (I mean sa
EYELID, kumusta naman pag sa EYEBALL nagkapimple. Sakit nun, lalo pa pag
tiniris mo. Siguro pwede na ring APPLE dahil sa red sya. PILITIN ba. ) Ayoko
sanang gamitin yung term na KULITI, dahil alam ko na ang sasabihin o itatanong
mo, “NANILIP ka no?”, “SINO naman ang SINILIPAN mo?” Hindi ito KULITI, singaw
lang to. Singaw! Nainfect na pore sa eyelid!
Pag may kuliti, nanilip agad? Di ba pwedeng may nagpasilip
muna? May permission kung baga. Saan nga kaya nagmula yang kasabihang yan.
Meron kayang “Ang alamat ng KULITI” sa mga libro ni Lola Basyang? (Teka lang,
iDM natin si Lola B. baka meron ngang nakatago sa baul, hintayin natin reply
nya.)
Para ikubli ang kakaibang ningning na to,
nag-EYEGLASS ako pagkapasok ko sa office. Dahil ayokong maglaro sa isipan ng
mga taong makakahalubilo ko ang mga tanong na yon. Nag-genius-geniusan ang
dating, nerdy mode. Peter Parker kaw ba yan? Harry Potter? Anyways bagay ko
naman. Oo kailangang iconvince ang sarili. Bagay ko nga, hindi lang ako sanay.
Kasisimula lang ng taon, binugahan na agad ako ng kakaibang
pagsubok. Yung totoo, may galit ba sa akin ang Water Dragon? Ang tanong, malas
ba ako sa Year of the water dragon? May swerte at malas nga ba talaga? Talaga nga bang nakakapagsalita ang mga
bituin para sabihin ang ating kapalaran?
Tuesday, January 10, 2012
I Won't Give Up Lyrics
I Won't Give Up by Jason Mraz
Hmmmm ... Hmmmm ... Hmmmm ... Hmmm ...
When I look into your eyes
It's like watching the night sky
Or a beautiful sunrise
There's so much they hold
And just like them old stars
I see that you've come so far
To be right where you are
How old is your soul?
I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up
And when you're needing your space
To do some navigating
I'll be here patiently waiting
To see what you find
'Cause even the stars they burn
Some even fall to the earth
We've got a lot to learn
God knows we're worth it
No, I won't give up
I don't wanna be someone who walks away so easily
I'm here to stay and make the difference that I can make
Our differences they do a lot to teach us how to use
The tools and gifts we got yeah, we got a lot at stake
And in the end, you're still my friend at least we did intend
For us to work we didn't break, we didn't burn
We had to learn how to bend without the world caving in
I had to learn what I've got, and what I'm not
And who I am
I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up
Still looking up.
I won't give up on us (no I'm not giving up)
God knows I'm tough enough (I am tough, I am loved)
We've got a lot to learn (we're alive, we are loved)
God knows we're worth it (and we're worth it)
I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up
-
Another masterpiece of the great singer and song writer Jason Mraz. :)
Sunday, January 8, 2012
Saturday, December 31, 2011
Reduce Reuse Recycle Resolution
Ilang minuto na lang New Year na. 2012 na!
Reduce. Paputok. Tokotokotokotok! dito. Tokotokotokotok! doon. Kabikabilaan ang mga nagpapaputok. Sabi nga ng marami, hindi kumpleto ang bagong taon kung walang paputok. At parang tingin ko hindi rin kumpleto ang bagong taon nila kung walang napuputulan ng daliri, o natatamaan ng ligaw na bala, o di kaya nasusunugan ng bahay. Tingin mo?
Bakit nga ba kailangang magpaputok at mag-ingay pag bagong taon? “To drive away evil spirits”daw o di kaya “maalis ang malas”. Sang-ayon ako kay Brod Pete ng “Dating Doon” sa Bubble Gang, katangahan ang magpaputok, lalo na kung sa LABAS ka magpapaputok. Kung naniniwala kang makakapag-taboy yan ng mga evil spirits dahil natatakot sila sa ingay, e ba’t sa labas ng bahay ka nagpapaputok? Kung sa labas ka nagpapaputok, at magiging maingay sa labas, e di lalo mo silang pinapapasok ng bahay? Habang nagsasaya kayo sa putukan sa labas, ang mga bad spirits na gusto mong itaboy ay nagpaPARTY-PARTY naman sa loob ng bahay nyo.
Siguro kung hindi man natin matanggal o mawala ang mga paputok, at least siguro i-REDUCE natin. Dahil sa bawat paputok na sinisindihan mo, katumbas ay peligrong maidudulot nito, na perang sinusunog mo na sana’y naitulong mo na lang sa mga nangangailangang tao. At sa bawat kasa at kalabit ng gatilyo ng baril mo, ay ang kaakibat na disgrasyang dulot nito sa taong tatamaan ng balang niligaw mo. (Maisingit lang si Tyrone Perez, ayun, hindi nakapaghintay ng bagong taon, nagpaputok, nagpaputok ng baril sa ulo. Ayun patay. May he rest in peace. ) May mga alternatibong paraan naman para magingay at magsaya. Gaya na lamang nito, magtorotot ka habang nagpaPLANKING si nanay at nagdoDOUGIE naman si tatay. Mga ganun klase. Masaya na kayo, malayo pa sa disgrasya! :)
Reuse. Pasko Part 2. Ang January 1 o New Year ay ang pangalawang pasko ng mga Pilipino. Oo, pangalawang pasko, o “Pasko Part 2” dahil ito ang magiging pangalawang pagkakataon para lusubin at singilin ang mga Ninong at Ninang na nakapagtago noong pasko. Gigising din ng maaga. Susuutin ang nilabhang pamaskong sinuot na noong nakaraang pasko, ire-REUSE kung baga. O kung may budget sina nanay at tatay, yung pamaskong SET number 2 mo ang susuotin. Pero dahil alam ng mga Henyo nating mga Ninong at Ninang na nakapagtago noong nakaraang pasko na lulusubin natin sila ngayong bagong taon, makakapagtago na naman ulit sila. Kaya kung ako sa inyo, bago pa magbagong taon, lusubin nyo na sila, puntahan nyo ng hindi sila handa, surpresahin nyo, gulatin nyo. At matapos ibigay ang aguinaldong inaasam mo, sampolan mo ng isang pick-up line. Sabihin mo, “Ninang, Si RAMONA ka ba? Kasi ang galing mong tumakas at magtago.” :D
Recycle. New year na naman. Panahon na naman ng mga NEW YEAR’S RESOLUTION. Kung estudyante ka ngayon, asahan mo na yan ang magiging FIRST ASSIGNMENT or ACTIVITY nyo pagkapasok nyo sa school, ang gumawa ng new year’s resolution. Kaya ngayon palang habang bakasyon, magisip ka na. Magiisip ka nga ba? O magreRECYCLE lang? Ilang new year’s resolution na naman kaya ang mare-RECYCLE ngayong bagong taon?
“Ang salitang resolution ay may prefix na “re” na ang ibig sabihin “again” sa tagalog “ulitin.” So tama lang na ulitin ang new year’s resolution.” Yan ang justification ng mga taong walang balak, walang planong magbago.
Ito ang ilan lang sa mga palagay ko'y marerecycle na naman:
Sa mga lumamon ng lumamon noong Noche Buena at mamayang Media Noche. “Magdadiet na ako.”
Sa mga estudyante at empleyadong nasanay sa disoras matulog at tanghali kung magising. “Hindi na ako malelate.”
At sa mga taong wala o NO OTHER WOMAN/MAN daw “Magiging faithful na ako.”
Kung mga bombang sumasabog ang mga new year’s resolution pag hindi natutupad, marahil lolobo ang DEATHRATE tuwing magpapalit ng taon at kung magkaganon hindi na kailangang bumili pa ng mga paputok.
Ang bagong taon ay ang magandang pagkakataon para magpasalamat sa ating Panginoon at sa mga taong naging bahagi ng ating buhay. Magpasalamat sa nagdaang 365 days na naging makabuluhan. Magpasalamat sa siksik liglig umaapaw na biyayang natanggap. Magpasalamat sa bawat araw na may gabay at pagmamahal.
Isang magandang pagkakataon din para magbago. Sabi sa kanta, “Bagong taon ay magbagong buhay.” Simulan na ang pagbabago. Tara na at ating salubungin ang year 2012 ng may ngiti at puno ng pagasa. Gabayan nawa ulit tayo Niya sa bagong 366 days na handog Niya sa atin. Happy 2012! Happy New Year! God Bless us all. Laus Deo Semper. :)
Sunday, December 25, 2011
Ngayong Pasko ang Henyo kong Ninong nagtago sa Six Pocket kong Pantalon na amoy Paksiw
♪ Ang pasko ay sumapit.. Tayo ay mangagsiLAPIT.. sa magagandang ninang.. sa nag-gugwapong mga ninong... ♪ Pasko na!
Ano nga ba ang pasko? Para saan nga ba ang pasko? Para sa mga bata lang ba talaga ang pasko? Bakit may pasko? Bakit ipinagdiriwang ang pasko? Anong meron pag pasko? Kailangan bang maraming tanong pag pasko? Bakit ang dami kong tanong ngayong pasko? :)
Pasko Henyo. Category: May kinalaman sa Pasko.
Lugar ba to? - Hindi.
Keso de bola? Hamon? Spaghetti? Fruit salad? - Hindi.
Pagkain ba to? - Hindi.
Regalo? Aguinaldo? Noche buena? Parol? Christmas tree? - Hindi.
Bagay ba to? - Hindi.
Rudolf? - Hindi.
Hayop ba to? - Hindi.
So tao? - Hmmm, Oo. Pwede.Hindi.
Ninong? Ninang? Santa Claus? Mrs. Santa? - Hindi.
E ano?
Tut tut. Tut tut. Time is up!
Yan lang ba naiisip natin pag pasko? Isa ka rin ba sa marami na nakakalimutan ang tunay na dahilan kung bakit may pasko? Sabi ko nga sa post ko sa facebook at twitter. “Do not forget, JESUS CHRIST is the reason for this season. Not SANTA CLAUS or the AGUINALDOs from ninang and ninong. :)”
Ang pasko ay ang araw ng kapanganakan ni Jesu Kristo, ang ating dakilang tagapagligtas. Oo alam ko, na alam mo na ang bagay na yan, pero baka lang kasi nakalimutan mo. :)
December 25. December 25 nga ba talaga ang birthday ni Jesus? Mahaba habang diskusyunan pa ang mangyayari kung hahalungkatin natin ang kasaysayan para sa totoong birthday ni Jesus. Well, wala naman tayo sa debate kaya saka na natin yan pag-usapan. Hindi man yan ang eksaktong date, ang importante ang kaligayahang dulot nito sa buhay ng bawat isa.”Let’s forget about the date, the spirit of Christmas is the reason why we celebrate.” Noks nomon! :)
Pasko. Paksiw. Pasko. Paksiw. Pakso Paskiw. Minsan ang buhay ng tao parang ”tongue twister”, nakararanas ng kalituan, kamalian o kaguluhan, na humahantong sa isang ”paksiw na buhay” na puno ng kalungkutan, pagkabalisa, pagkabagabag o kawalan ng pagasa. Marahil ilan sa ating mga kababayan ngayon sa Bisayas at Mindanao pati na rin sa mga kamag-anak nila sa Luzon ay nararanasan ang ”twisted life” o kapighatian sa buhay ngayong pasko dahil sa trahedyang nangyari sa nakalipas na bagyong Sendong. Naway gabayan sila ng Panginoong Jesu-Kristo sa panibagong yugto ng kanilang buhay. Ang bawat mesa nila ay naway mapuno sana ng pag-asa at kasiyahan ngayong pasko. Umahon pa rin sana sa kanila ang tunay na diwa ng kapaskuhan, para hindi maging PAKSIW ang PASKO nila.
Taguan tayo ngayong pasko. Huwag munang mag ANGRY BIRDS, magtaguan muna tayo. Taguan, ang larong Pinoy na hindi naluluma, lalo na tuwing sumasapit ang araw ng kapaskuhan. Naalala ko noong bata ako, sa ayaw at sa gusto ko, ako lagi TAYA tuwing pasko. Hinahanap ang dalawang nagtatago kong mga ubod ng GALANTE, napaka-thoughtful kong mga NINONG. Dalawa na nga lang sila, tinataguan pa ako. Hindi ba nila alam na HINDI NAMAN talaga PERA ang habol ko? (Weh? Di nga?) Oo, hindi PERA, hindi basta basta pera lang! Dahil ang gusto ko ay MABANGO, MALUTONG at PERANG BAGO. Hehe Aminin natin, nung kabataan natin, yan talaga ang gusto natin. :D
Six Pocket. Gigising ng maaga. Maliligo. Suot suot ang bagong pamaskong bili ni nanay. Pinagmamayabang ang plantsadong SIX POCKET na pantalon. Dahil ang uso pag pasko ay ang maraming bulsa na pantalon. Naalala ko lang noong elementary days, paglabas ko pa lang ng bahay, pag nagkita kita kami ng mga kalaro ko’t kapitbahay na kasabay kong magmamano sa mga tita’t tito, bilangan agad kami ng bulsa. ”Ilan ang bulsa mo?” Paramihan nga kasi, BIDA ka pag ikaw ang may pinakamarami. Pag nagkatablahan pa nga, pati BULSA sa BRIEF, isasama rin, manalo lang. Ang tanong, marami ngang bulsa ang pantalon, marami naman kayang ma-a-aguinaldo?
Magkano ang naaguinaldo mo? Panalo man ako sa paramihan ng bulsa, ayaw ko mang aminin, ako ang pinakakulelat pagdating sa paramihan ng na-aguinaldo. Kumusta naman, dalawa lang ang NINONG ko. Dalawa na nga lang. Tinataguan pa ako. Kaya pag mga hapon na, tapos na ang pagmamano sa mga Ninang at Ninong. Bilangan time na! ”Magkano ang naaguinaldo mo?” Kulelat ako, sila na ang panalo. Kayo na! Bata nga naman. :)
Ano nga ba ang sukatan ng tunay na kasiyahan tuwing pasko?
Sa dami ng nakahanda sa noche buena sa mesa nyo?
Sa dami ng naaguinaldo?
Sa dami ng bulsa ng pantalon mo?
Sa dami ng nabigyang regalo?
Sa dami ng inaanak na nataguan ngayong pasko?
Para sa akin. Basta kumpleto ang pamilya, at sama-sama, masaya na ako.
”Dahil walang katumbas na kasiyahan, ang mamasko sa tabi ng mga taong mahal mo.”
( Noks nomon! Yun na! :))
Merry Christmas! God bless us all. Namamasko po. :)
Wednesday, December 21, 2011
Naka-MOVE-ON ka na ba sa kaka-DIET?
Diet.
Move on.
Synonyms: OVERUSED. MAHIRAP SIMULAN.
DIET. Madalas ko tong marinig sa mga tao sa paligid ko. “Ang taba ko na. Kailangan ko ng mag diet. Mag –d-diet na ako.” (Oo, ako na nga ang payat! :D) Pero matapos sabihin, kain din naman ng kain. Kung makalamon, parang wala ng bukas. Nilamon na rin ang mga salitang binitawan. “Bukas na lang ako magddiet.” Kinabukasan. “Bukas na talaga ako magddiet.” Kinabukasan. “Bukas na bukas na talaga ako magddiet.“ Kinabukasan. “Naku, magpapasko na, ibig sabihin madami pagkain, madami na naman makakain. After New Year na lang ako magddiet. At least meron na akong new year’s resolution for next year.” (Jinustify pa. Last year, last last year, ilang years mo na kaya yang New Year’s resolution. Pero at least magaling kang magRECYCLE, Mag RECYCLE ng New Year’s Resolution.) ‘Mamaya na’ habit nga naman.
MOVE ON. Malimit ko naman tong marinig sa mga conversations na love ang topic. Sa radio, sa mga callers na nagseshare ng love problems sa DJ. ”Ano pong aking gagawin? May iba na po syang mahal.” Mga posts sa Facebook. ”Move on! Mag-movemove on na ako. Kailangan ko ng kalimutan sya. Kailangan ko ng tanggapin na wala na sya. Para akong traffic sa EDSA, di makamove-on.” Pero panay naman ang visit mo sa profile nya sa FB. Tingin ng mga updates nya. Pasalamat ka walang ”Who viewed my profile” feature ang FB. Kung hindi huli ka. Pero tingin ko naman kahit na may ganung feature ang FB, gagawa ka ng paraan maview mo lang anonymously ang profile nya. Gaya ng ginagawa mo nun sa Friendster. Gagawa ka ng ibang account or search ka ng site sa Google, “How to view private facebook accounts anonymously?”
Bato bato sa langit ang tamaan, kailangan ng mag DIET at mag MOVE ON. :)
Note: ‘Diet’ and ‘Move on’ should be treated as VERBS (action words) not NOUNS or ADJECTIVES.
Move on.
Synonyms: OVERUSED. MAHIRAP SIMULAN.
DIET. Madalas ko tong marinig sa mga tao sa paligid ko. “Ang taba ko na. Kailangan ko ng mag diet. Mag –d-diet na ako.” (Oo, ako na nga ang payat! :D) Pero matapos sabihin, kain din naman ng kain. Kung makalamon, parang wala ng bukas. Nilamon na rin ang mga salitang binitawan. “Bukas na lang ako magddiet.” Kinabukasan. “Bukas na talaga ako magddiet.” Kinabukasan. “Bukas na bukas na talaga ako magddiet.“ Kinabukasan. “Naku, magpapasko na, ibig sabihin madami pagkain, madami na naman makakain. After New Year na lang ako magddiet. At least meron na akong new year’s resolution for next year.” (Jinustify pa. Last year, last last year, ilang years mo na kaya yang New Year’s resolution. Pero at least magaling kang magRECYCLE, Mag RECYCLE ng New Year’s Resolution.) ‘Mamaya na’ habit nga naman.
MOVE ON. Malimit ko naman tong marinig sa mga conversations na love ang topic. Sa radio, sa mga callers na nagseshare ng love problems sa DJ. ”Ano pong aking gagawin? May iba na po syang mahal.” Mga posts sa Facebook. ”Move on! Mag-movemove on na ako. Kailangan ko ng kalimutan sya. Kailangan ko ng tanggapin na wala na sya. Para akong traffic sa EDSA, di makamove-on.” Pero panay naman ang visit mo sa profile nya sa FB. Tingin ng mga updates nya. Pasalamat ka walang ”Who viewed my profile” feature ang FB. Kung hindi huli ka. Pero tingin ko naman kahit na may ganung feature ang FB, gagawa ka ng paraan maview mo lang anonymously ang profile nya. Gaya ng ginagawa mo nun sa Friendster. Gagawa ka ng ibang account or search ka ng site sa Google, “How to view private facebook accounts anonymously?”
Bato bato sa langit ang tamaan, kailangan ng mag DIET at mag MOVE ON. :)
Note: ‘Diet’ and ‘Move on’ should be treated as VERBS (action words) not NOUNS or ADJECTIVES.
Subscribe to:
Posts (Atom)