Ngayon ko napatunayan ang kasabihang, "Kung kaya mong isipin, kaya mong gawin." (Art Angel? :) )
Ang dating iniisip ko lang makapagGYM na... ngayon... Congrats to me!
Sa wakas! NakapagGYM na ako. Nag-enrol na ako sa isang gym malapit sa aking sanktuaryo. Heto ang first day ko...
Pagdating ko galing office, nagpahinga ng konti sa apartment, at nagprepare ng susuotin pag natuloy na ang gym. Lumabas na ako, medyo mahangin pa at parang uulan, pero
nilabanan ko ang katamaran at ang manyana habit na yan. At akoy
nagtagumpay. Matapos kong libutin ng 2 beses ang bayan,
nakaipon na ako ng lakas para mag inquire. (Nag-ipon pa talaga ng lakas, magiinquire lang)
Ayun, nagtanong ako sa bantay ng building, at ako'y pinaakyat na sa taas. (alanganamang papaakyatin sa baba) Umakyat ako at naginquire. Pero nagstart na din agad agad. Excited lang. Nagmamadali. Busy.
Gym. Top Gym.
Bakit Top Gym? Kasi nasa TOP? Tama.
Nasa ROOFTOP ng building sya.
FIFTH floor.
So pag akyat mo palang, exercise na!
Hindi naman ako nagexpect masyado sa mga gamit. Medyo di na bago compare dun sa mga gamit sa gym sa office, pero ayos lang naman. Ang importante ay yung ituturo ng instructor. Yun ang habol ko. Matuto. From scratch to final answer. (ano daw.)
Gym Instructor. Sir Dennis.
9 yrs ng gym instructor. Nanggaling ng Fitness First at Gold's Gym.
Actually, 2nd time ko ng nameet si Sir Dennis at nasabi na nya yun dati.
Yung 1st time ay noong last year same month. (Akalain mo last year? )
Nakapaginquire na ako noon.
Sabi ko balik na lang ako.
Kumusta naman ngayon lang ako nakabalik.
Kanta muna tayo, "♪Kay tagal mo ng nawala, Babalik ka rin, Babalik karin ♪"
At least naman, nakabalik ako. Congrats sa akin.
Ewan ko lang kung naaalala pa nya yung time na yon. Natanong ko na nga rin dati yung schedule, attire at rate.
Fee. May daily na P40 per session, or P400 monthly. Pinili ko yung monthly na P400.
Unlimited. Mura na. At libre na lang daw ung instructor fee ko today. Heto umpisa na
Program for today.
Stretching.
Steel rod na nakaakbay sa dalawang kamay.
Turn waist and body right and left. Steady head facing front. 60 times.
Point right side and left side. 60 times.
Bowing and Bending. 60 times.
Weight lifting.
10lbs. (10lbs! common! :D)
Lifting dumbell from waist to shoulder level.
Up Down. Fying movement. 15 times. 30 seconds break. 4 reps
Lifting dumbell from upper shoulder meet to head top.
Up Down. 15 times. 30 seconds break. 4 reps
Lifting dumbell from head top down to upper back. 15 times. 30 seconds break. 4 reps
Lifting dumbell from front then curl arm up. 15 times. 30 seconds break. 4 reps
Squat. 25 times. 30 seconds break. 4 reps.
Sit ups. 25 times. 30 seconds break. 4 reps.
Kung irerate ko from easy to difficult. Stretching. Squat. Sit ups. Weight lifting.
Ang pinakamadaling part ay yung stretching. hehe
Sumunod squat, tas sit ups.
Huli yung sa weight lifting.
Dahil beginner pa lang, (palusot!) medyo may katiwalian pang nangyayari.
Dinadaya ang counting. hehe
Umaabot sa point kasi na hindi ko na maangat ang dumbell. Kahit kakapahinga lang ng 30 secs.
Isang angat, kaya. Pangalawang angat, suko na. (agad agad? hehe)
Sabi nga ni Sir Dennis.
"No Pain no Gain." "Kung susuko ka, wala kang makukuha." "Kailangan mong paghirapan, para makuha mo gusto mo"
Kumokowt! Saan ka pa. Tama nga naman. Maidagdag lang,
"Ang umaayaw, hindi nananalo. Ang nananalo, hindi umaayaw." Heto pa, ang sabi nga ni Binoy,
"Huwag kang aayaw, Think pasitib. Proteksyon, Bago umaksyon!" :)
First session palang, ang dami ko ng natutunan.
Myths and facts. Do's and Dont's ng body building.
Hindi lang pala weight or muscle ang magegain ko, pati new friends mag-gegain ko din.
Gym mates. Si Sir Dennis, my gym instructor. Ang magkaibigang si Paul at Choy. Si Jeffrey "Kalbo" kasama ang pinsang babae na busyng nag jujumping rope kaya hindi ko natanong ang pangalan.
Tsaka yung bagong dating, hindi ko narinig ang pangalan.
Nakakatuwa. Kwela. Enjoy ang buong araw.
Sumakit man katawan ko.
Nanginig man ang tuhod ko.
Nahilohilo. At the end of the day,
nagkamuscles na ako at may
6 packs abs pang kasama.
(Agad agad lang? may muscles agad at may ABS na? )
I mean, nagenjoy na ako, nagka 6 new friends pa ako. :)
Pahabol lang, hindi pala stretching ang pinakamadali.
Yung last na instruction ni Sir Dennis pala.
"Wag kang mag-Diet, kain ka lang ng kain". :D