Thursday, November 10, 2011

Ang unang una kong gagawin pag nalaman ko ang Crush ni Crush ay

Yung tipong nalaman mo kung sino ang crush o type ng crush mo.
Dali-dali mong chineck profile sa Facebook, pero dahil naka-private account, sinearch mo na lang sa Google>Images at kapag walang lumabas na picture/s nya sa results kahit sa Search by Web na lang. Para makita mo lang kung sino mas gwapo/maganda sa inyong dalawa.

Hindi mo alam yung feeling kung matutuwa ka o malulungkot kapag nakita mo picture ng crush nya na di hamak na mas may hitsura ka sa kanya. Matutuwa dahil mas gwapo/maganda ka. Malulungkot dahil bakit mas type nya yun sa'yo.

Ikaw? Ano ginagawa mo pag nalaman mo kung sino ang Crush ng Crush mo? Ano ang unang una mong gagawin? Sige nga...

No comments:

Post a Comment