Saturday, December 31, 2011
Reduce Reuse Recycle Resolution
Ilang minuto na lang New Year na. 2012 na!
Reduce. Paputok. Tokotokotokotok! dito. Tokotokotokotok! doon. Kabikabilaan ang mga nagpapaputok. Sabi nga ng marami, hindi kumpleto ang bagong taon kung walang paputok. At parang tingin ko hindi rin kumpleto ang bagong taon nila kung walang napuputulan ng daliri, o natatamaan ng ligaw na bala, o di kaya nasusunugan ng bahay. Tingin mo?
Bakit nga ba kailangang magpaputok at mag-ingay pag bagong taon? “To drive away evil spirits”daw o di kaya “maalis ang malas”. Sang-ayon ako kay Brod Pete ng “Dating Doon” sa Bubble Gang, katangahan ang magpaputok, lalo na kung sa LABAS ka magpapaputok. Kung naniniwala kang makakapag-taboy yan ng mga evil spirits dahil natatakot sila sa ingay, e ba’t sa labas ng bahay ka nagpapaputok? Kung sa labas ka nagpapaputok, at magiging maingay sa labas, e di lalo mo silang pinapapasok ng bahay? Habang nagsasaya kayo sa putukan sa labas, ang mga bad spirits na gusto mong itaboy ay nagpaPARTY-PARTY naman sa loob ng bahay nyo.
Siguro kung hindi man natin matanggal o mawala ang mga paputok, at least siguro i-REDUCE natin. Dahil sa bawat paputok na sinisindihan mo, katumbas ay peligrong maidudulot nito, na perang sinusunog mo na sana’y naitulong mo na lang sa mga nangangailangang tao. At sa bawat kasa at kalabit ng gatilyo ng baril mo, ay ang kaakibat na disgrasyang dulot nito sa taong tatamaan ng balang niligaw mo. (Maisingit lang si Tyrone Perez, ayun, hindi nakapaghintay ng bagong taon, nagpaputok, nagpaputok ng baril sa ulo. Ayun patay. May he rest in peace. ) May mga alternatibong paraan naman para magingay at magsaya. Gaya na lamang nito, magtorotot ka habang nagpaPLANKING si nanay at nagdoDOUGIE naman si tatay. Mga ganun klase. Masaya na kayo, malayo pa sa disgrasya! :)
Reuse. Pasko Part 2. Ang January 1 o New Year ay ang pangalawang pasko ng mga Pilipino. Oo, pangalawang pasko, o “Pasko Part 2” dahil ito ang magiging pangalawang pagkakataon para lusubin at singilin ang mga Ninong at Ninang na nakapagtago noong pasko. Gigising din ng maaga. Susuutin ang nilabhang pamaskong sinuot na noong nakaraang pasko, ire-REUSE kung baga. O kung may budget sina nanay at tatay, yung pamaskong SET number 2 mo ang susuotin. Pero dahil alam ng mga Henyo nating mga Ninong at Ninang na nakapagtago noong nakaraang pasko na lulusubin natin sila ngayong bagong taon, makakapagtago na naman ulit sila. Kaya kung ako sa inyo, bago pa magbagong taon, lusubin nyo na sila, puntahan nyo ng hindi sila handa, surpresahin nyo, gulatin nyo. At matapos ibigay ang aguinaldong inaasam mo, sampolan mo ng isang pick-up line. Sabihin mo, “Ninang, Si RAMONA ka ba? Kasi ang galing mong tumakas at magtago.” :D
Recycle. New year na naman. Panahon na naman ng mga NEW YEAR’S RESOLUTION. Kung estudyante ka ngayon, asahan mo na yan ang magiging FIRST ASSIGNMENT or ACTIVITY nyo pagkapasok nyo sa school, ang gumawa ng new year’s resolution. Kaya ngayon palang habang bakasyon, magisip ka na. Magiisip ka nga ba? O magreRECYCLE lang? Ilang new year’s resolution na naman kaya ang mare-RECYCLE ngayong bagong taon?
“Ang salitang resolution ay may prefix na “re” na ang ibig sabihin “again” sa tagalog “ulitin.” So tama lang na ulitin ang new year’s resolution.” Yan ang justification ng mga taong walang balak, walang planong magbago.
Ito ang ilan lang sa mga palagay ko'y marerecycle na naman:
Sa mga lumamon ng lumamon noong Noche Buena at mamayang Media Noche. “Magdadiet na ako.”
Sa mga estudyante at empleyadong nasanay sa disoras matulog at tanghali kung magising. “Hindi na ako malelate.”
At sa mga taong wala o NO OTHER WOMAN/MAN daw “Magiging faithful na ako.”
Kung mga bombang sumasabog ang mga new year’s resolution pag hindi natutupad, marahil lolobo ang DEATHRATE tuwing magpapalit ng taon at kung magkaganon hindi na kailangang bumili pa ng mga paputok.
Ang bagong taon ay ang magandang pagkakataon para magpasalamat sa ating Panginoon at sa mga taong naging bahagi ng ating buhay. Magpasalamat sa nagdaang 365 days na naging makabuluhan. Magpasalamat sa siksik liglig umaapaw na biyayang natanggap. Magpasalamat sa bawat araw na may gabay at pagmamahal.
Isang magandang pagkakataon din para magbago. Sabi sa kanta, “Bagong taon ay magbagong buhay.” Simulan na ang pagbabago. Tara na at ating salubungin ang year 2012 ng may ngiti at puno ng pagasa. Gabayan nawa ulit tayo Niya sa bagong 366 days na handog Niya sa atin. Happy 2012! Happy New Year! God Bless us all. Laus Deo Semper. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment