EXCHANGE GIFT. December na! Kaya naman kabi-kabilaan
ang mga Christmas parties. At syempre hindi mawawala ang exchange gift. Sa
party ng department namin, worth P100 ang exchange gift. Anong mabibili mo sa
P100? Ang tagal kong pinag-isipan ang bibilhin ko. Nagsearch pa ako sa
Google. Nagsurvey sa mga bahay-bahay. Humingi pa ng suggestions sa sikat na writer na si Paolo
Coelho. At nagtanong kay Kuya Kim. Hanggang sa umabot ako sa isang
desisyon.
Tumbler! Oo tumbler ang binili ko. Ang walang
kamatayang tumbler. E ano pa ba kaya ang mabibili mo sa P100? Kung hindi mug,
towel, picture frame o di kaya lalagyan ng cellfone? Ayon. Binili ko na sa SM department store ang tumbler na pang-exchange
gift ko.
Pinatulan ko ang free gift wrapping ng SM. Kahit 1 oras ata
akong pumila. Mas mahaba pa ang oras na pinila ko kumpara sa 10 minutes lang na
pagpili, pagkuha, at pagbayad sa cashier.
Kaya naman dapat
nating isipin na “Hindi presyo ang banatayan ng regalo, nasa effort yan ng
taong nagbigay nito.” noks-nomon! ;)
Simula sa
magdamagang pagiisip ng nagbigay kung ano bibilhin. Sa tiyaga nya sa 1 kilometrong pila sa gift
wrapping section. O di kaya sa bawat sukat, tupi, punit at gupit nya ng gift
wrapper. Sa bawat putol, dikit ng iskatsteyp na may laway pa dahil madalas nginingipin
ang pagpunit. Hanggang sa pag-kacarreer sa lettering, na ilang
beses pinraktis ang font, ang laki, ang diin, ang kulay, ang arte ng
pagsulat ng greetings sa card na ididikit. Na nagdalawang isip pa kung ano
isusulat nya kung MERRY CHRISTMAS ba o MALIGAYANG PASKO.
Kaya naman sa mga magreregalo sa kin. Para hindi nyo na problemahin kung
ano ang pwede nyo ibigay ngayong pasko sakin. At dahil ayaw ko kayong
mahirapan, mapuyat sa kakaisip. Heto ang ilan sa mga gusto ko matanggap ngayong
pasko. DSLR na camera o di kaya iPAD2 na lang, mga ganyan lang naman. Kahit
huwag mo ng balutin ayos na sakin. :D
No comments:
Post a Comment